Civil Disobedience Kontra Pork ni PNoy, Inalmahan

PINALAGAN NG Palasyo ang bantang civil disobedience ng mga grupong nagsagawa ng kilos-protesta sa Luneta kung hindi umano tatanggalin ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III  ang kanyang discretionary funds.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi produktibo at hindi makabubuti ang bantang ito ng mga anti-pork barrel group.

Sinabi ni Valte na mas mainam na daanin sa demokratikong paraan ang pagpapahayag ng reklamo laban sa gobyerno.

Kasabay nito, iginiit naman ni Valte na hindi maaring alisan ng discretionary funds si Pangulong Aquino bilang chief executive na tagapatupad sa lahat ng batas at programa ng gobyerno.

Samantala, mahalaga raw na maglaan ng pondo para magamit sa mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad o giyera.

“Hindi ho mambabatas ang Pangulong Aquino. He is the Chief Executive. He is tasked to implement the laws of the land, and he is tasked to be the implementor of the programs of the Executive para makatulong po sa ating mga kababayan. Talagang, by the very nature of being Chief Executive, meron pong mga bagay na kailangan pong magtabi ho tayo ng pondo para sa mga pagkakataong hindi ho natin inaakala o hindi ho natin ina-anticipate pero dumadating po ‘yan at kailangang makatulong pa rin ho tayo doon sa ating mga kababayan,” ani Valte. “Ngunit ang aming apela lang naman ho ay mag-resort po tayo doon sa mga paraan kung saan magiging productive po ‘yung ating pagpuna sa mga ginagawa ho ng ating pamahalaan, which is why we’ve always encouraged ‘yung mga engagement po ng ating mga kababayan sa kanilang pamahalaan.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.