CIDG chief na minamaliit ang mga tabloid, kinondena ng mga mamamahayag

BINATIKOS NG MGA miyembro ng Northern Media Group (NMG) ang umano’y kagaspangan ng ugali ng hepe ng Northern Criminal Investigation and Detection Group (NCIDG) matapos nitong maliitin ang photographer ng isang tabloid at tawaging “maliit” ang kinabibilangan nitong pahayagan.

Ayon kay Ronnie Ramos, photographer ng Police Files at miyembro ng NMG, halos manliit siya sa hiya nang lantarang laiitin ni Chief Insp. Manolo Salvatierra, hepe ng NCIDG, ang kanyang kinabibilangang pahayagan nang puntahan niya ito sa kanyang tanggapan noong nakaraang linggo.

“Ipakikita ko lang sana ‘yung larawan niya na lu-mabas sa diyaryo namin, may mga nahuli kasi silang suspek sa isang kaso at nagpatawag siya ng mga reporters at photographers para i-cover ‘yun,” ani Ramos.

Sa halip na magpasalamat, kinuha lang umano ni Salvatierra ang kopya ng Police Files at isinantabi sa kanyang mesa.

“Hindi naman ito binabasa ni General Pagdilao, maliit na diyaryo lang ito eh,” ang umano’y sabi ni Salvatierra.

Ang Police Files ay pag-aari ni Joey Venancio na isa rin sa mga director ng National Press Club (NPC)

Napahiya man ay magalang pa ring umalis sa tanggapan ni Salvatierra si Ramos.

Samantala, hinihiling naman ng ilang miyembro ng media na nagko-cover sa northern part ng Metro Manila kay CIDG director Chief Supt. Samuel Pagdilao, Jr. na disiplinahin at tawagin ang pansin ang kanyang walang modo at aroganteng si Salvatierra kaugnay sa kagaspangan ng ugali nito.

“Ganyan pa lang ang ranggo niya eh, mayabang na siya. Dapat tularan niya ang ugali ni Gen. Pagdilao na super sa pakikisama sa mga taga-media, walang malaki at maliit na pahayagan kay Gen. Pagdilao. Dapat nga magpasalamat sila sa media dahil nalalaman ng publiko ang mga accomplishments nila,” ayon sa mga reporters.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.