Chynna Ortaleza & Railey Valeroso in Hong Kong

ISANG MAGANDANG BAKASYON ang na-experience ng long-time magdyowa

na sina Chynna Ortaleza at Railey Valeroso nang magtungo sila sa Hong Kong,

kasama ang mga kaibigang sina Dino Lazaro at DJ Mark Baquiran, at ang GMA

Artist Center handler na si Daryl Zamora.

Nilibot ng grupo nina Chynna at Railey ang ilan sa mga tourist attractions sa

Hong Kong tulad ng Hong Kong Disneyland, Disneyland Resort, Ocean Park, at Sky

Fair. Tsika nga ng masipag na GMAAC handler na si Daryl, pinasyalan din daw nila

ang iba’t ibang shopping malls sa Hong Kong, kumain sa mga restaurants at sumakay

sa train.

Ito ang nagsilbing bakasyon grande para kay Chynna na medyo naging busy sa

sunud-sunod na trabaho. Kaya naman nang magkaroon ito ng free time, hindi na

raw ito nagdalawang-isip na magtungo sa Hong Kong kasama ng boyfriend na si

Railey.

Dagdag pa nga ni Daryl, bawat minutong nasa Hong Kong sila ay punum-puno

ng excitement at talagang nag-enjoy raw silang lahat. Kaya naman daw nagbabalak

muli ang kanilang grupo na bumalik sa Hong Kong nang medyo matagaltagal,

kapag pare-pareho silang nagkaroon ng bakanteng oras.

Chynna Ortaleza, Railey Valeroso, GMA Artist Center handler Daryl Zamora & friends enjoying their Hong Kong trip

Litra-Trip
By John Fontanilla

loading...

One thought on “Chynna Ortaleza & Railey Valeroso in Hong Kong

Leave a Reply

Your email address will not be published.