Christopher de Leon at Sandy Andolong, may matinding pagsubok sa pamilya

Christpher-de-Leon-Sandy-AndolongPAGKATAPOS NG Undas ay nakatakdang umalis pa-Amerika ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Dadalawin nila roon ang anak nilang si Miguel na nagpapagaling pa sa sakit na Cancer.

Medyo okay na raw ang kalagayan nito sabi ng mag-asawa, pero siyempre ang hinihintay nila ang sasabihin ng doktor na Cancer-free na ang kanilang anak.

Sabi ni Sandy, ‘yun lang naman daw ang Christmas wish niya at very positive siyang ibibigay ito sa kanila ng Diyos.

Nag-celebrate din si Boyet ng kaarawan niya kamakailan lang at ‘yun din ang hinihingi niyang birthday gift, pero kasama na Riyan ang mabilis na pagGaling ni Sandy.

May sakit din kasi si Sandy, at dapat nga i-kidney transplant siya, pero mukhang madadala naman sa gamot kaya hindi pa itinuloy.

Pero ang sabi ni Sandy, ang tanging concern niya ay ang kanyang anak na sana gumaling na ito.

Dadalhin nina Sandy at Boyet ang anak ni Miguel na nasa pangangalaga pa nila. Malaking bagay ang presence ng anak nito para magpursige siyang magpagaling.

Sana nga, Lord! Malagpasan nina Boyet at Sandy itong pinagdaanan nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.