Christopher de Leon, malabo pang makasama si Nora Aunor sa pelikula?!

KASABAY NAMING NANOOD ng pilot episode ng Sa Ngalan Ng Ina, sa taping mismo ng naturang mini-serye noong nakaraang Lunes, sina Christopher de Leon, Rosanna Roces at Karel Marquez sa isang malaking bahay na gamit nila sa Casa Milan, Fairview. Sandaling nahinto ang taping nu’ng ipinalabas na ang SNNI upang panoorin muna ang mini-serye.

Tahimik ang lahat sa panonood pero  sa tuwing commercial break ay nagpapalakpakan ang mga artista pati na rin ang buong tao sa produksyon. Humirit pa si Osang na tumigil daw ang mga tao sa pagpi-facebook at nanonood ng mini-serye. May nagparating naman na pati ang mga taga-ABS-CBN at maging ang mga taga-GMA-7 ay tumutok din sa palabas.

In fairness, naka-jackpot ang TV5 sa pagbabalik ni Superstar Nora Aunor dahil pinanood nga ito sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Bongga agad ang mga eksena kung saan muling nakita ang kahusayan ni Nora pati na rin sina Boyet, Osang, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman at Eugene Domingo. Muli rin, buhay na buhay ang mga Noranians dahil libreng-libre nilang napapanood ang idolo.

Nakausap namin si Boyet during dinner break at tinanong agad namin siya nang diretso kung totoo ‘yung nasulat na tinanggihan daw nito ang Hototay (Mano Po 7) katambal pa rin si Nora. Medyo umasim  ang mukha ng premyadong aktor bago ito nag-dialogue ng,” Sa’n naman nila nakauha ‘yan?”

Naiirita si Boyet dahil wala naman siyang sinasabi regarding the issue at ayaw na ayaw niya na iku-quote siya na hindi naman niya sinasabi, lalo na’t hindi naman siya nakakausap tungkol du’n.

“Actually, si Mother (Lily Monteverde of Regal Films), sinabi lang niya sa akin na, ‘O, Boyet, gawa tayo movie, ha? Kayo ni Nora. Gawa tayo, ha?’ Ganu’n lang naman. Wala pa naman ‘yug pormal na usap na, ‘o, eto, may gagawin tayo, ‘eto ang script, ‘eto ang gagawin natin’. I mean, parang sinabi lang na gagawa kami ni Mama Guy pero wala pang napag-uusapan tungkol dun. ‘Yung konkretong usapan na may gagawin kami ni Nora.

“Sa akin naman, walang problema, eh. Siyempre, importante ‘yung materyal, siyempre dapat bago… ‘yung bagay sa amin na magugustuhan ng mga tao. Eh, si Mother, ganyan lang. Alam n’yo na…”

Makakasama rin daw si Tirso Cruz III, payag ba siya sa ideya na pagsamahin silang tatlo?

“Okey lang, okey lang! No problem. ‘Yun nga, importante, maganda ang materyal. At saka…’yun nga… pag-usapan nang maayos,” sey pa ni Boyet.

Pagkatapos pala ng SNNI, pelikula naman ang aatupagin ni Boyet, ito ‘yung Doha na isyu-shoot sa Qatar. Pagkatapos nu’n, saka pa lang niya gagawin ang Padre De Familia with Piolo Pascual and Jericho Rosales sa ABS-CBN. Punung-puno pala siya, so paano pa niya isisingit ang Hototay na intended for the Metro Manila Film Festival ngayong taon?

Naku, tama nga palang kausapin na siya ni Mother Lily nang seryoso, kung seryoso ito sa offer kay Boyet para sa Hototay. Sayang naman ang pagkakataon na magkasama-sama silang muli nina ate Guy at Pip in one gigantic movie na sure na sure pa naman sa takilya ‘pag nagkataon! Naku, Mother Lily, kilos na, ‘noh!

 

NAGULAT KAMI SA impormasyong nakarating sa amin tungkol sa malalaking proyektong pang-telebisyon na gagawin ng TV5 sa susunod na taon. Tumambling talaga kami dahil pulos malalaking TV projects ‘yun na ikawiwindang ng ibang network!

Isa sa mga proyektong ikina-tumbling talaga namin ay ang isang show na matagal nang napapanood sa telebisyon mula sa ibang network. Blockbuster ito at pinapanood talaga ng mga tao “from all walks of life”, ‘ika nga. Pag-aari na ito ngayon ng TV5 at next year nga, mapapanood na ‘yun sa kanilang istasyon. Nakakaloka lang ang kuwentong nakapaloob dito kung bakit pumayag ang nagmamay-ari na mapunta na ito sa iba. Maghintay lang tayo dahil alam naming isang araw ay lalabas din ang tunay na kuwento sa kung paanong hindi na ito pinayagang ipa-renew sa isang malaking istasyon at sa TV5 na nga napunta.

Wala po munang clue. Basta, ikagugulat na lang ninyo kung anong programa iyon na klik na klik sa mga Pinoy!

‘Yun na!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Related Post

loading...

One thought on “Christopher de Leon, malabo pang makasama si Nora Aunor sa pelikula?!

  1. EXAG! NMN! Ala p ngang 1ng guhit un nanood ng serye n SNNI khit s AGB at TNS low rating ilan lng b Noranian at mga ulol n supporters ni Addictus Noranus? Sure n sure blockbuster kmo? 1ST DAY- LAST DAY BLOCKBUSTER, INCREDIBLE!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.