Christopher de Leon at Sandy Andolong, ayaw pa ring tigilan sa isyu ng hiwalayan!

HANGGANG NGAYON, MAY mga nagtatanong pa rin sa akin tungkol sa isyung hiwalayan nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Hindi pa ba matapus-tapos iyan? Ayaw na ngang patulan ito ni Boyet dahil ka-cheap-an na raw. Si Sandy lang ang apektado at gusto na nga nilang magpa-interview para matapos na ang isyu. Ang sabi naman ni Boyet, hangga’t pinapatulan mo ito, hindi matapus-tapos ang isyu. Kaya mabuting dedmahin na lang.

Bakit naman kasi kung kailan tumanda na sila at saka pa may naglabasang ganu’ng intriga. Isinabay pa sa pagda-ting ni Nora Aunor dito.

Basta heto na lang, gusto lang iparating ni Christopher na okay sila ni Sandy. Wala silang problema at never nila naisip na maghiwalay. Sabi rin ni Sandy, wala nang makakapaghiwalay sa kanila, kaya sana tigilan na ang pagkakalat ng maling intriga. Next week nga ay aalis sila pa-Amerika para magbakasyon, at medyo matagal-tagal sila roon.

Nakikiusap na nga ang mga taga-ABS CBN 2 na medyo iksian lang ang bakasyon nila dahil kailangan na nilang bumalik sa taping. Pagbalik nila galing Amerika ay magti-taping na si Boyet sa Abu Dhabi para sa drama series na Doha.

Kasali rin si Sandy riyan, pero hindi siya kasama sa Abu Dhabi na taping.

Mabuti na nga at natapos na rin ni Boyet ang Sa Ngalan ng Ina nila ni Nora Aunor kaya nakapag-concentrate na ito sa dalawang drama series niya sa ABS-CBN 2.

 

CONGRATULATIONS NGA PALA sa alaga kong si Carlene Aguilar na nanganak na nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi.

Medyo nahirapan nga ito sa panga-nganak niya dahil nakapulupot pala ang umbilical cord sa leeg ng baby kaya kailangan siyang dumaan sa Caesarean operation.

Malusog na baby boy na may timbang na 8.12 lbs ang iniluwal nito na papangala-nan nilang Marcus Iñigo. Bale ito ang panganay nila ng asawa niyang si Yo Ocampo, pero pangalawang baby na ito ni Carlene. Nu’ng Lunes lang nga sila lumabas ng hospital at excited daw si Calix sa baby brother niya.

Medyo matatagalan pa si Carlene na makabalik sa trabaho dahil kailangan pa niyang magpagaling at magpapayat pa raw siya. Abangan n’yo na lang ang interview namin sa kanya sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.