Christian Bautista, very open daw say ni Andrea Torres

DAHIL MAGKAPAREHA sila sa moring series ng GMA na With A Smile, hindi na ipinagtaka ni Andrea Torres ang pagkakaroon ng intrigang baka siya ang dahilan ng break-up nina Christian Bautista at Singaporean girlfriend nito.

“Hindi ako ‘yong dahilan,” aniya. “Basta, maganda ang working relationship namin. At si Christian, magaan siyang katrabaho. Kasi, bigayan. Tapos very open siyang tao. So, wala akong ilang na nararamdaman sa kanya. Mas nakapaglalaro kami sa eksena. Minsan may mga kulitan na idinadagdag na lang namin. Bilang ‘yon nga, palagay na ang loob namin sa isa’t isa.”

Ngayong pareho na silang single ni Christian, hindi maiwasang isipin ng iba na puwede naman at walang masama kung magkagustuhan man sila.

“Oo nga po, eh. Mas lalong tinutkso kami ngayon!” sabay tawang sabi ni Andrea. “Pero, wala namang gano’n na nangyayari. More on friendship po ‘yong meron ngayon.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.