Christian Bautista, umaawit ang puso

CHRISTIAN BAUTISTA first came to spotlight when he joined ABS-CBN’s reality talent show Star in a Million in 2003. Soon after, he released his self-titled debut album which contains the hit song The Way You Look at Me.

Magmula noon ay malayo na ang narating ng career ni Christian. Hindi lamang dito hinahangaan si Christian dahil maging sa Indonesia, Singapore, Malaysia at Thailand ay sikat na sikat siya. Sa katunayan ay lumabas siya sa Dahsyat, an Indonesian Variety Show from RCTI in Jakarta, Indonesia kung saan niya naka-duet ang Indonesian singer na si Bunga Citra Lestari sa Indonesian version ng kantang Please Be Careful With My Heart. Sinasabing siya ang una at kaisa-isang Pinoy singer na lumabas sa isang Indonesian TV Show. Patunay lang ito na si Christian ay talagang isang Asian music star.

Christian is a multi-talented artist dahil maliban sa pagkanta ay pinahahanga rin niya ang publiko sa kanyang angking galing sa pag-arte sa mga pelikula, television series at stage productions.

Now he is already celebrating his 10th anniversary in the industry. Nagawaran siya kamakailan ng Asean Youth Achievement Award sa Thailand at kinilala rin ng Malacañang bilang isa sa mga Peace Ambassadors ng bansa. Pero sa kabila ng kanyang mga tinatamong tagumpay ay nananatili pa ring nakatuntong ang kanyang mga paa sa lupa.

Sabi ng kanyang ina na si Mommy Jo, “Iyong success ni Christian [ay] phenomenal kasi he really started out as not known in showbiz. Doon sa Star in a Million nagkaroon siya ng following. Ang sinasabi namin sa kanya ay keep your feet on the ground because that is where your walk will be more sustained.”

Everything is falling into place in Christian’s life right now – in his family, career, and love. Umaawit ngayon ang kanyang puso because he is in love. He is in a romantic relationship with Carla Dunareanu, his co-star in the highly-acclaimed series The Kitchen Musical. Carla is half-Romanian, half-Chinese.

Ayon sa kanyang ina ay maalaga, sweet at generous si Christian sa kanyang girlfriend. “Iyong girlfriend ni Christian ngayon, si Carla, na-meet namin siya sa Singapore. Kami sa family close din sa mga naging girlfriends [ng mga anak ko]. Sunud-sunod nagka-girlfriend ang mga anak ko so parang nagkaroon kami ng tatlong anak na babae agad. Kasama namin sila ‘pag lumalabas. Naging part of the family na sila.” Friendly at hindi raw mahirap pakisamahan si Carla.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Christian Bautista, umaawit ang puso

Leave a Reply

Your email address will not be published.