Christian Bautista, threaten sa mga sumisikat na singer!

AMINADO SI Christian Bautista na sa loob ng sampung taon niya sa showbizness, ‘di maiiwasan na kahit papaano ay nakararamdam siya ng threat ‘pag may mga baguhang singers or banda na sumisikat. Nagpakatotoong inamin sa amin ng singer ang nararamdaman naman talaga ng karamihan ‘pag may mga bagong sumusulpot o dumarating at gumagawa ng tatak sa larangan nila.

Ang ipinagpapasalamat ni Christian ay patuloy pa rin siyang tinatangkilik at sinusuportahan ng mga tagahanga niya sa kabila nito. Para sa singer ay challenge ito para lalo niyang pagbutihan ang pagkanta at laging may bagong ihain sa publiko para hindi siya pagsawaan.

Patunay nito, pinara-ngalan ng platinum award ang album niyang First Class: Outbound Expanded Edition ilang Linggo na ang nakararaan sa ASAP 2012, kung saan nakabenta na ito ng 20,000 copies sa kabila ng napakaraming albums ang naglalabasan sa ngayon.

Magkakaroon din si Christian ng major concert sa darating ng October 6,7, 12, 13 and 14 sa Meralco Theater para sa selebrasyon naman ng kanyang 10th year anniversary. Bahagi rin ng programang Princess and I, hindi pa man gaanong lumalabas sa nasabing serye ay masaya si Christian sa mas tumataas pang rating ng show.

Masaya at kuntento rin siya sa itinatakbo ng relasyon nila ng girlfriend na si Carla Dunareanu, isang Singaporean/ Romanian model/ actress na kasalukuyang nasa bansa at nagtatrabaho ngayon bilang DJ sa Magic 89.9. Sa usung-usong hiwalayan ngayon sa showbizness kung saan sunud-sunod at ‘di inaasahan ang mga showbiz couples na naghihiwalay, hindi pinapasok ni Christian ang mga takot at pag-aalala dahil naniniwala siya na ang mga negatibong mga pag-iisip ang kakain at sisira sa isang magandang relasyon.

 

HANGGANG SA ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong sa amin kung bakit hindi raw nakasama si Derek Ramsay sa katatapos na 2012 100 Most Beautiful event ng Yes! magazine.

Box-Office King sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards Night para sa laki ng kinita ng mga pelikulang No Other Woman at Praybeyt Benjamin at kasama sa top ten endorsers kung paramihan ng ineendorsong commercials ang pag-uusapan, pinagtatakhan lang ng marami kung bakit nawala sa listahan ang hunk actor?

Ayon kay Ms. Joan Maglipon, editor-in-chief ng Yes! mag, subjective ang pagpili nila kung saan base ito sa honest opinion ng mga bumubuo ng Yes! magazine.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

6 thoughts on “Christian Bautista, threaten sa mga sumisikat na singer!

  1. Christian Bautista, threaten sa mga sumisikat na singer!
    THREATEN talaga? hahaha bano ang writer at editor!

  2. so far wala pa nang sumisikat na singers after ng batch nila erik, christian sarah at rachelle weh..

  3. NATATAKOT RIN PALANG MALAOS SI CHRISTIAN HEHE! HMMM… GUMAWA NG MAGANDANG GIMIK PARA HINDI MALAOS… MAGBAKLA-BAKLAAN KA KUYA PARA MAPAGUSAPAN

    • Mag bakla baklaan?????? Dava bakla c Christian Bautista????? Kaliga ni Erik Santos at Mamasan pa nga nila c Piola Pascual.

Leave a Reply

Your email address will not be published.