Christian Bautista, may offers sa Thailand at Indonesia!

CHRISTIAN BAUTISTA, THE Asian Music Icon of the Philippines, will have a two-night concert at Music Museum entitled Romance Revisited on March 12 and 13. Special guests performer ng Asian Pop Idol ay sina Karylle at ang A-Pop.

After the concert, fly naman ang Swatch endorser na si Christian sa Thailand para ire-present ang ‘Pinas sa Pattaya Festival (pinakamalaking summer event ng Bangkok). Ang Grammy (pinakamalaking independent record label at media conglomerate entertainment company sa Thailand) mismo ang pumili sa Romantic Ballader para mag-perform sa nasabing main event.

“I believe they love the song ‘Beautiful Girl’ at ‘yung ‘The Way You Look At Me.’ They have been playing there for sometime, pero hindi pa talaga ako nakaka-push du’n to promote the album. May mga kaibigan ako sa Thailand. Sabi nila, “Naririnig nila du’n ‘yung songs ko. Excited kasi ako, first time itong mangyayari sa akin,” say niya.

Bukod dito, may teleserye at movie offer si Christian sa Indonesia. “Yes, but I have to study it. Kasi right now, nag-offer din ‘yung Thailand. ‘Yung teleserye, wala pang final decision, kasi ngayon may bagong movie offer. So, baka unahin muna namin ‘yung movie (Indonesia), kasi it will require less time. ‘Yung teleserye kasi, it will require a lot of time. Kapag pinili namin ‘yung teleserye, we have to stay there 100 days,” kuwento niya.

“Tapos, uuwi-uwi na lang ako for ASAP, 3 hours lang naman. Pero kung movie lang, magagawa ko pa ‘yung Malaysia so, kailangang pag-aralan munang mabuti. Actually, dalawa ‘yung offer na movie. ‘Yung isa, parang adventure movie. The other movie naman, medyo seryoso ako. Hindi pa naman 100 percent sure, pati ako kina-cast pa rin for the role,” sambit pa niya.

Your own original composition, when kaya? “I still have to create my own song talaga na sinulat ko, ‘yun ang dream ko. Dapat magsulat na ako ng kanta at dapat mag-hit.”

Inamin ni Christian na hindi siya inspired kaya hindi makagawa ng sarili niyang komposisyon. “Actually, ganu’n talaga ako. Magsusulat ako ng kanta kapag inspired ako. Hindi ako makasulat kasi, wala akong inspirasyon sa ngayon.  Kailangang hanapin ko, malapit na, one step at the time, papunta na ro’n, tingnan natin.”

Maugong ang balitang tumigil na raw si Christian sa panliligaw kay Karylle. “We dated, we went out, pero eventually, when you go out with someone, tapos makikita mo naman kung pupunta kayo sa friendship or pupunta kayo sa… or you wanna commit to each other. Nang magkakilalanan kami, parang na-realize naming we’re good, we’re better off as friends.”

Ngayong magkasama sina Christian at Karylle sa concert, hindi kaya manumbalik uli ‘yung feelings? “Anything is possible, I’m not closing my doors to anyone,” wika niya.

As of now, ayaw muna raw ni Christian na magka-girlfriend dahil sa sobrang busy niya. “Kaunti lang ‘yung time na maibibigay ko sa girl, lugi rin. Kawawa naman ‘yung girl.”

Qualities para masabi mong beautiful siya, in and out? “Siyempre, magsimula muna ako sa inner beauty. Siyempre, she has to have a good heart and of course, her family… family oriented din ako. A beautiful person also considers others more than herself, at sa physical beauty naman importante rin sa akin ang physical beauty. Kasi, kapag ang isang babae knows how to take care of herself physically, it means she’s very responsible so, hindi siya pabaya. Kapag naka-relationship mo siya, aalagaan ka rin niya the way na inaalagaan mo rin siya. Gusto ko, ako rin ‘yung mag-aalaga sa kanya. Kung gusto ko siyang alagaan siyempre, may panahon din ako sa kanya. Pero right now, ang daming tawag sa ibang bansa, medyo hindi ko pa mabibigyan ng ganu’ng panahon,” pahayag niya.

Who knows, baka sa ibang bansa matagpuan ni Christian ang babaeng kanyang pinapangarap ? “Oo, why not? Basta puwede rin siyang lipad sa akin, puwede rin ‘yun,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Christian Bautista, may offers sa Thailand at Indonesia!

  1. Would you please translate your site into German as I’m not so comfortable reading it in English? I’m getting tired of using Google Translate all the time, there is a handy WP plugin called like global translator which will render all your posts automatically- this would make reading posts on your awesome blog even more cosy. Cheers mate, Juliette Matus!

Leave a Reply

Your email address will not be published.