Christian Bautista, kulong sa pambubugaw

KULONG ANG ISANG kapangalan ng sikat na singer na si Christian Bautista matapos ibugaw ang dalawang dalagita sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Christian Bautista, 42 ng Asero st., Tugatog ng lungsod.

Nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development ang dalawang biktima na edad 15 at 17.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon si Barangay Captain Sheridan Abad ng Tugatog hinggil sa ginagawang pambubugaw ng suspek sa mga biktima na naging dahilan upang humingi ng tulong ang una sa mga pulis.

Alas-10:30 ng gabi, nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis kung saan isang barangay tanod ang nagpanggap na costumer at nang nasa silid na ang huli kasama ang biktimang edad 17, agad na nagsipasok ang mga pulis at dinakip si Bautista.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.