Christian Bautista, kakarerin na ang pag-arte

TALAGANG SUMABAY ang My Husband’s Lover sa pag-out ni Charice, at tamang-tama naman tungkol sa katomboyan at kabadingan ang pinag-uusapan.

Feeling ko, mataas ang rating ng pilot episode nito na nagsimula na nu’ng kamakalawa ng gabi.

Sabi ng mga bading, paboritong usapan daw sa social network ang My Husband’s Lover at type na type daw nila ang tema ng kabadingan.

Hindi pa lumabas si Dennis Trillo sa pilot episode pero ang dami nang naguwapuhan kay Tom Rodriguez.

Pero natuwa ako dahil pinuri nang husto ang alaga kong si Glydel Mercado na gumanap na Mommy ni Carla Abellana.

In fairness din kay Carla, magaling siya at bumagay sa kanya ang role.

Kaya mukhang tuluy-tuloy na susubaybayan ito ng mga manonood.

Nababalitaan ko lang na meron na raw may mga nagri-react sa tema ng bagong drama series na ito.

Kaya nagpadala raw uli ng sulat ang MTRCB Chairman na si Atty. Toto Villareal sa GMA-7 na dapat daw maging maingat sila sa mga eksenang ipalalabas.

Dapat daw ay mag-self-regulate na rin ang GMA-7, at huwag silang basta-basta maglabas ng trailer na napapanood sa oras na gising pa ang mga bata.

Siyempre maingat din dito ang GMA-7 at natuwa nga sila dahil na-approve naman ang pilot episode nito.

Pero maraming mga bading ang nai-excite sa My Husband’s Lover kaya tiyak na isa ito sa mga top-raters ng GMA-7.

 

MERON DIN palang bagong drama series ang Kapuso network na pang-umaga naman, ang With a Smile na pagbibidahan nina Christian Bautista, Andrea Torres at Mikael Daez.

Si Christian ang pinaka-excited dito dahil mapapasabak siya sa aktingan na hindi siya ang kakanta.

Kakantahin lang niya ang theme song nito, pero talagang aakting siya na hindi niya nagawa sa ABS-CBN 2.

Kaya malaki ang pasasalamat niya sa GMA-7 na binigyan siya ng magandang break sa pag-arte.

Wish nga raw niyang magkaroon din ng Best Actor trophy, pero alam niyang mahirap ‘yun. Basta i-try lang daw niya nang mabuti at kakaririn niya nang husto.

Sa Lunes na magsisimula ang With a Smile na mapapanood ng 10:30 ng umaga. Hindi naman daw nito makakatapat ang Be Careful With My Heart.

Sa presscon pala nito ay du’n na lang namin nalaman na hindi na pala magpapa-manage si Mikael kay Jonas Gaffud ng Mercator. Nagpa-release na raw ito sa kontrata niya dahil sa madalas daw silang nag-aaway.

Pero hindi ito sinagot ni Mikael. Safe lang ang sabi niya na maayos daw ang samahan niya sa Mercator at okay raw sila. Pero hindi niya sinagot ang tanong kung wala na nga siya kay Jonas. May mga pagtatalo raw sila, pero naaayos naman daw nila bandang huli.

Pero reliable ang nagkuwento sa amin na talagang nagpa-release na nga raw ito. Hindi pa rin ito nasagot ni Jonas.

Kung totoo nga ito, nakapanghihinayang naman dahil nakikita ko naman kung paano proteksyunan ni Jonas si Mikael.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Christian Bautista, kakarerin na ang pag-arte

  1. Swangit na lolit umakting na rin yang si christina bautista sa abs noon no! At ang chaka chaka umarte!!! Parang nagbabalagtasan umarte at magsabi ng mga linta nya!! Masyadong filingero pa! Naturingang taga trumpets juon yang bekbek n yan eh walang ka kwenta kwenta umarte!!! 

  2. HAY!!! Lolit Lolit you really think GMA can even level up sa mga teleserye nang ABS- keep on wishing basta alam nyo dito sa Amerika Kapamilya RULES noh!!!! wala na talagang ibang palabas ang GMA kaya’t kabadingan nalang ang naisip na tema nila!!! SELL GMA!!!

    • KAWAWA ka naman teh GAYBS lang ang napapanood mo at pagdating dyan sensitized ang mga balita. NEWSFLASH sandamakmak na bakla sa mahal mong station nahihirapang maglalad afraid mafrozen delight ng LOLA CHARO mo! 
      Go Charice.

    • SELL ka dyan! KAPAG nakabalik ang mga MARCOSES sa MALACANANG say goodbye to you beloved GAYBS weh.

      • you wish, kapokpok!!!
        mga bobong kapokpok lang ang nais maibalik
        ang mga marcoses sa malacanang palibhasa kayo mga bobong dummy!!!
        you think makakapag comment ka dito kung nandyan ang mga marcoses,
        palibhasa tanga ka!!! saka totoo naman sinasabi ni marina, wala kayong panama sa kapamilya station hanggang ngayon struggling pa rin kayong mapantayan man kang pero hindi nyo kaya!!! bwahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.