Christian Bautista, ipinagtanggol si Rachelle Ann Go!

NAKALULUNGKOT ANG MGA kumakalat na balita ngayon sa showbiz. Usap-usapan ngayon ang champion singer na si Rachelle Ann Go. Kumakalat ang balitang hindi maganda ang image ngayon ng singer dahil sa papalit-palit na mga boyfriends nito. Mula kay Christian Bautista, naging si Gab Valenciano at ngayon naman ay si Kean Cipriano, lead singer ng bandang Calla Lily.

Una naming nakausap si Kean sa set ng Showtime noong Biyernes at naitanong namin sa kanya kung totoong nag-de-date sila ngayon ni Rachelle Ann. “Hanging out” ang term na ginamit ni Kean at hindi daw “going out” ang nangyayari sa kanila. At kung saka-sakaling they are “hanging out” naman daw, ay with a group of friends din, at hindi ‘yung sila lang dalawa. Napakabait na tao raw ni Rachelle Ann at napaka-totoong tao kaya masaya si Kean kapag lumalabas daw sila ng singer.

Pero hindi naman masagot diretso ni Kean kung nililigawan ba niya si Rachelle Ann, “Kasi hindi ako ganu’n, e. Hindi ako nanliligaw. Hindi ko ugali ang manligaw,” sagot ng rakistang bokalista. Sa pagkakasagot na iyon ni Kean, parang ang naisip tuloy namin, e, magugulat na lang tayo na sila na pala ni Rachelle Ann. Ganu’n?

Well, hindi na rin naman ‘yan bago. Sa showbiz, marami nang mga artistang ganyan. Deny-deny kuno ng kanilang mga panliligaw, at mga relasyon, tapos malalaman na lang natin – hiwalay na pala sila! Kaya ‘wag na tayong ma-shock! Palakpakan na lang!

Matapos naming makipag-usap kay Kean, naimbitahan naman kami sa press con ng pinakabagong endorsement ng isa pang champion singer na si Christian Bautista, na siya ring naging karelasyon ni Rachelle Ann noon. Endorser ngayon ng “ink all you can” si Christian, at take note, siya ang kauna-unahang endorser ng naturang produkto. Malaki ang tiwala ng kumpanya kay Christian, na makapag-a-attract pa si Christian ng mas marami pang mga customers na tangkilikin ang kanilang ‘unlimited’ ink service. Panalo, ‘di ba?

Pero mas panalo ang naging sagot ni Christian, dahil diretsahan namin siyang tinanong kung anong reaksiyon niya na si Rachelle Ann ay nakikipag-date ngayon sa lead singer ng Calla Lily na si Kean. “Wow, yes I heard about it, and I’m happy for her. Hindi ko gaanong kilala si Kean, pero I’m happy for Rachelle,” maiksing sagot ni Christian.

Diretso at walang paliguy-ligoy ring tinanong ng isang reporter kay Christian kung ano ang reaksiyon niya sa hindi magandang image ngayon ni Rachelle Ann. Bulung-bulongan na may pagka-’play girl’ daw ang singer. Mabilis ang naging depensa ni Christian at sinabing hindi gano’n ang pagkakakilala niya sa kanyang ex-girlfriend. Sa pagkakaalam niya ay walang masamang ugali o buto si Rachelle Ann at unfair naman daw kung idya-judge siya ng ibang tao na ganu’n.

Parang affected si Christian sa pagsagot at nang ma-absorb na niya ‘yung tanong ng isang reporter. Marahil, isang reaksiyon mula sa isang kaibigan.

Ano nga kayang masasabi ni Rachelle Ann tungkol dito? Panahon na para depensahan niya ang sarili niya dahil medyo pangit ang ibinabatong intriga sa kanya. Maganda at blooming ngayon si Rachelle Ann kaya hindi niya kasalanan kung maraming lalaki ang nanliligaw at lumalapit sa kanya.

‘Yung mga nagsasabing playgirl siya, e, baka inggit lang at dapat maglabas ng ebidensiya. Tandaan natin, ‘yung last relationship ni Rachelle Ann, siya ang nadehado. Siya ang nasaktan at hindi niya iniwan ang lalaki dahil gusto lang niya. ‘Di ba?

Related Post

loading...

6 thoughts on “Christian Bautista, ipinagtanggol si Rachelle Ann Go!

  1. hay naku, mga tao nga naman! inggit lang kayo kay rachelle! eh kung hindi sya maganda bakit ang daming nanlligaw sa kanya? use your head people!
    go rachelle! totoo ang sinabi ni christian, sya yung mas nasaktan sa past relationship nya with that gab!

    • i agree with you! alam naman natin na hindi naman talaga paly girl c ate shin ehh! mag tao na nag papakalat nyan, mga naiinggit lang yan! walang magwa! insecure for short!

    • eh kung d sya maganda ba’t naman pinag palit ni kean ang gf nya para lang sa kanya? duh! think first before you say!

  2. akala ko ba tweetums itong si rachel..eh makati pala..hmmm…mahilig sa may mga may kabit na pangalan ha////…sabagay kung dyan lang sya sisikat eh di sige…ituloy ang kahibangan para makilala at mabuhay ang patay na career

Leave a Reply

Your email address will not be published.