Christian Bautista, certified Asian superstar!

KUNG MAY KOREAN fever sa bansa na patuloy na nagpapalagnat sa mga Pinoy fans dahil sa mga Korean idols gaya ng F4, TVXQ, Super Junior, SHINee, Girls’ Generation at Wonder Girls ay mayroon ding pambato ang Pilipinas sa Indonesia at Malaysia – si Christian Bautista. Kung napamahal na sa ating mga Pinoy si Malaysian actress-model Carmen Soo ay ganoon din si Christian sa kanyang mga kababayan.

Talagang certified Asian superstar na si Christian. He recently arrived from the successful promotion of his single na nasa lengguwaheng Bahasa at naka-duet pa niya ang isang Indonesian singer-actress sa kantang “Tetaplah Dihatiku” (Jose Mari Chan’s Please Be Careful With My Heart).

It was reported that the singer-actor got an exciting offer to do a television series in Indonesia. Dahil dito ay maninirahan siya ng mahigit tatlong buwan sa Indonesia para paghandaan ang teleserye na gagawin niya sa lengguwaheng Bahasa. Sinabi ni Christian na hahanapin daw niya ang kanyang mga Malaysian friends dito sa Pilipinas para makapag-aral siya ng Bahasa.

Kahit sikat siya sa Indonesia, Christian clarified that he will not be staying there for good. “Mahal na mahal ko pa rin ang Pilipinas pero definitely this year, things will change. Mas dadalas tayo sa Southeast Asia at dadalhin natin ang pangalan ng Pilipinas sa ibang bansa.”

Hindi na mapigilan ang pagsikat ni Christian sa Indonesia. Ipinalabas noong 2006 sa Rajawali Citra Televisi Indonesia (RCTI), Indonesia’s first privately owned television network, ang “Completely: Christian Bautista”, the young balladeer’s first-ever Indonesian TV special where he performed with some of the biggest names in the Indonesian music scene like the 40-piece Magenta Orchestra, the young musical genius Andi Rianto and the country’s two female divas, Krisdayanti and Titi DJ.

Busy ngayon si Christian sa kanyang career dito at sa ibang bansa pero may space pa ba ang usaping pag-ibig sa kanyang buhay? Or is he too busy for love? Walang girlfriend ngayon si Christian pero sinabi niya na pagdating sa pag-ibig ay hindi raw imposibleng magkagusto siya sa Malaysian o Indonesian na kasing-ganda rin ng mga Pinay. Love definitely knows no boundaries basta tinamaan ka na ng pana ni Kupido.

Sino kaya ang kakantahan ni Christian ng kanyang hit song na The Way You Look at Me? At gaya ng lyrics ng kanta ay ito na kaya ang babaeng pagsasabihan ni Christian ng “my heart knows you’re the missing piece”?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Christian Bautista, certified Asian superstar!

Leave a Reply

Your email address will not be published.