Christian Bautista and Andrea Torres: The Way You Smile at Me

CHRISTIAN BAUTISTA
Real Name: Christian Joseph Morato Bautista
Birthdate: October 19, 1981
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Lucky Day: Monday

ANDREA TORRES
Real Name: Andrea Elizabeth Torres
Birthdate: May 4, 1990
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Lucky Day: Friday
LOVE WILL surely brighten up your Kapuso mornings with the new show With a Smile. Pinagbibidahan ito ng ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ stars Mikael Daez and Andrea Torres. Para lalong gumanda ang umaga ng lahat, kasali rin sa cast ang bagong Kapuso star na si Christian Bautista.
Isa sa pinakatinitilian na heartthrob sa Asya si Christian Bautista. Lalong nai-in love sa kanya ang mga bebot dahil very sincere ito sa pagse-serenade sa kanyang love gigs. Si Andrea Torres naman ang isa sa gino-groom ng Siyete bilang bagong pambato sa dramahan. Will a balladeer make the leading lady say yes?
Hangga’t kaya, iwas-gulo ang Libra at Taurus. Gusto nila nang tahimik at matiwasay na buhay. Smooth-sailing ang pagsasamang ito, pero hindi dapat makampante ang dalawang partido, huh? Mahilig lumabas at makipag-socialize ang Libra, habang stay at home with the chosen few naman ang peg ng Taurus.
Ang pagiging stubborn at inflexible ng Taurus ay p’wedeng ika-contradict sa pagiging indecisive naman ng Libra. Sa katunayan, napaka-minimal lang naman ng maaaring pag-awayan ng dalawa. Dahil parehong open-minded at nakapag-a-adjust kapag napakiusapan, keribels lang ang pagsasamang ito. Ang pagiging manipulative in a romantic way ng Libran ay p’wedeng ikalambot at ikatuwa ng Toro. Parehong mahilig sa magara at romantic things ang dalawa, kaya napaka-ideal ng tambalang ito kung saka-sakali.
Instant attraction ang mararamdaman ng Libra at Taurus sa isa’t isa, pero kailangan nilang pag-aralan kung paano masu-sustain ang interes nila sa romansahan. Ang lalaking Libran ay hindi basta-bastang nagko-commit sa isang relasyon, na maaaring ika-insecure ng babaeng Taurus. Siguro ay right timing at sandamakmak na ngiti lang ang kailangan para lumiwanag ang buhay pag-ibig!
Ahem… huwag na tayong magtaka kung one day, si Andrea na ang paksa sa mga love songs na inaawit ni Papa Christian! Yown na!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Christian Bautista and Andrea Torres: The Way You Smile at Me

Leave a Reply

Your email address will not be published.