Christian Bautista, aminadong in love!

UMAAWIT NGAYON ang puso ni Christian Bautista because he is in love. He recently admitted that he is in a romantic relationship with Carla Dunareanu, his co-star in the highly-acclaimed series The Kitchen Musical. Carla is half-Romanian, half-Chinese and is currently based in Singapore. They became a couple last Valentine’s Day.

According to abs-cbnNEWS.com, their love story started from friendship while they were doing the pan-Asian show. Kuwento ni Christian, “She makes me happy and I make her happy. Nag-compliment kami. Hindi ako masyadong nagmamadali. Steady ako sa ganyan pero noong nakilala ko siya ay nagkaroon kami ng connection.”

Dumating kamakailan si Carla sa bansa para manood ng concert ni Christian together with Karylle (who is also their co-star in The Kitchen Musical) sa Resorts World Manila at siyempre hindi pinalampas ng press ang pagkakataon na mainterview siya. Carla is all praises of Christian. “What I love most about Christian is how much he loves his family, how much he loves God. He is a great leader. I love looking after him and I respect him for all the decisions he makes. No one is perfect but he is very honest.”

Wala namang problema kahit ito ay isang long-distance relationship pero inamin ni Christian na noong una ay nagdalawang-isip sila kung  kaya  ba  nilang ipagpatuloy ang relasyon. “Noong una pinag-usapan namin kung kaya ba namin ito kasi ayaw ko ng long-distance relationship pero nakita namin how important we are to each other. Every month talagang nagkikita kami, everyday kahit tawag lang. Kaya pala.”

At dito muling napatunayan kung gaano kalaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya tulad ng internet at cellular phones para patuloy na mapaglapit ang mga pusong napaglayo ng distansiya.

“Technology is a blessing. We Skype everyday. Distance is only measured in kilometers. If you have a contact everyday, it’s okay,” Carla shared.

Kung talagang mahal mo ang isang tao ay walang maaaring makapipigil sa iyo kahit harangan ka pa ng sibat at ilang dagat pa ang iyong languyin. Iyan ang makapangyarihang tawag ng pag-ibig.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Christian Bautista, aminadong in love!

Leave a Reply

Your email address will not be published.