Christian Bables nilinaw ang isyung wala siyang utang na loob

Christian Bables

SA PRESSCON ng Signal Rock ay muling nagpaliwanag si Christian Bables sa isyu ng diumano’y kawalan niya raw ng utang na loob kay Direk Jun Lana at sa partner nitong si Direk Perci Intalan.

Matatandaang si Direk Jun ang nagdirek ng MMFF film na Die Beautiful na naging dahilan para mapansin ang acting ni Christian at magkaroon siya ng bonggang showbiz career.

Ayon kay Christian, siya mismo ang nag-reach out sa dalawang director during the presscon of Pista ng Pelikulang Pilipino.

 “It was a misunderstanding between my former manager and Direk Perci. I was totally out of the picture,” paglilinaw niya.

Nilinaw din ni Christian na hindi ang pelikulang Signal Rock ang ipinagpalit niya sa Born Beautiful.

 “Nauna po ito (Signal Rock) bago ‘yung pag-uusap namin ni Direk Jun about Born Beautiful,” giit niya.

Dagdag pa niya, baka ang raw ang  teleserye niyang Halik sa ABC-CBN ang tinutukoy na dahilan kung bakit hindi niya natanggap ang Born Beautiful.

“Kung bubuksan n’yo ang dibdib ko, ‘yung utang na loob will always be here hanggang siguro sa mamatay ako. Itong mga taong ito (Perci and Jun) ang dahilan kung bakit ako nandito.

 “It’s very unfair for me and for them para sabihing nag-fall apart ang utang na loob ko sa kanila. Hindi po mangyayari ‘yun,” pahayag pa ng bida ng Signal Rock na idinirek ni Chito Rono mula sa kanyang CSR Productions.

Showing na ang pelikula sa Aug. 15-21 bilang isa sa entries sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.