CHR, Tututok sa ‘Nameless’ at ‘Faceless’ na Biktima ng Human Rights Violations

INIUTOS NG BAGONG pinuno ng Commission on Human Rights na bigyang atensiyon hindi lang ang mga high-profile cases kundi pati na rin ang mga walang pagkakilanlan na naging biktima ng political killings sa bansa.

Sa naging pahayag ni Chair Loretta Rosales sa meeting ng House human rights committee kamakailan na dodoblehin ng CHR ang kanilang oras at panahon upang masolusyunan ang lumalalang kaso ng torture, extrajudicial killings, enforced disappearances at iba pang pang-aabuso sa karapatang pangtao.

Halimbawa na lang ang nangyari sa isang istasyon ng pulis sa Tondo kung saan pinahirapan at pinatay ng ‘Davao death squads’ ang isang hindi nakilalang lalaki, ayon sa salaysay ni Rosales.

Ang isa pa sa nasabing kaso ay ang pagkakaaresto sa 43 health workers sa Morong ngayong taon. Dagdag  ni Rosales.

“Though you get the situation where you also have nameless, faceless victims of enforced disappearances, torture and killings” that are easily forgotten because there are no political organizations following up their cases, ani pa ni Rosales.

Sinabi pa ng bagong CHR chief na ang nangyari sa Tondo ay nakatawag-pansin dahil kumalat ang kopya ng video nito sa media.

Prayoridad pa rin naman ng CHR ang high-profile cases kasama rito ang “Morong 43,” grupo ng mga health workers na inaresto dahil sa bintang na pagiging kasapi ng isang komunistang rebelyon.

Layunin din ni Rosales na mapatibay ang monitoring system ng komisyon sa paggamit nito ng visitation powers.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.