Chop-chop victim, paulit-ulit nasagasaan

ISANG CHOP-CHOP na bangkay ng hindi pa makilalang biktima ang natagpuan sa boundary ng Makati at Mandaluyong sa Guadalupe Bridge.

Ayon sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), itinapon ang lasug-lasog na bangkay na nakasilid sa plastic sa Guadalupe, Makati area pero paulit-ulit itong nasagasaan ng sasakyan kaya nakaladkad hanggang sa tapat ng mall sa Mandaluyong. Hanggang sa nagkalat na sa northbound lane ng EDSA ang durog-durog na bangkay.

Sinabi ni Rosalisa Flordeliz ng MMDA na inakala nilang basura ang nasa loob ng plastic nang mapansin kahapon ng ma-daling-araw.

Isang taxi umano ang unang nakasaga rito hanggang iwasan na ng ibang motorista dahil nagkalat na sa kalye ang pira-pirasong parte nito.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Makati Police, posibleng lalaki ang biktima dahil may naka-tattoo na “Rhea” sa katawan nito.

Samantala, daldalhin sa Filipinas Funeral Homes ang mga natagpuang chop-chop na bangkay.

Pag-aaralan din ng mga awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) ng MMDA sa pagbabakasaka-ling nakuha sa camera kung sino ang nag-iwan ng plastic na naglalaman ng pira-pirasong katawan at matukoy ang mga sasakyan na nakasagasa rito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.