Chop-chop na kelot, biktima ng love triangle

MASUSING INIIMBESTIGAHAN ng Caloocan City Police ang natagpuang bangkay na pinaghahati ang iba’t ibang parte ng katawan na hinihinalang may kaugnayan sa tatsulok na pag-ibig sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Chirf of Police ang biktima na si Carmelo Villarual, 22, walang hanapbuhay at residente ng Block 4, Lot 9, Kaong St., Amparo Subdivion ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ni SPOI1 Noli Albis, may hawak ng kaso, dakong alas-3:00 ng hapon nang unang matagpuan ang kalahati ng katawan ng biktima na magmula sa baywang pababa sa kahabaan ng Anahaw Street.

Nang magsagawa ng ocular investigation ang nasabing himpilan ng pulisya sa lugar kung saan natagpuan ang kalahati ng katawan ng biktima ay natagpuan naman ang ilang parte ng katawan ng biktima na nakalagay sa sako.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Jessica Del Rosario Colminares, noong nakalipas na Hunyo 29, dakong alas-5:00 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa kanya na makikipakita ito sa kanyang unang asawa na nagngangalang Editha De Leon sa may San Jose Del Monte, Bulacan.

Magmula noong Hunyo 29 hanggang nitong Hulyo 2 ay nawawala na ang biktima hanggang sa matagpuan na lamang ang biktima na isa ng bangkay kung saan ang pinaghahati ang parte ng katawan ng biktima.

Dahil dito, hiniling ni Gng. Preda Villaruel sa pulisya na imbestigahan ang dating asawa ng biktima na si De Leon at ang kinakasama na si Del Rosario Colinares para malaman kung may kinalaman ang dalawa sa pagkamatay ng biktima.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.