Chop-chop na Katawan ng Lalaki, Kilala Na; Suspek, Pinaghahanap Pa

KILALA NA kung kanino ang torsong itinapon noong nakaraan Marso 2, 2012 sa Caloocan City.

Sa inilabas na ulat ng mga pulis kahapon, nakilala ang biktima na si Romeo Tiles, 34, tanod, ng Litex Rd., Commonwealth, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Luisito Mandapat, alyas Makaw, founder ng Tau Gamma Phi sa nasabing lugar.

Sa record, alas-6:20 ng umaga nang matagpuan ang torso ng biktima na nakasilid sa garbage bag na kulay itim at berde sa Sikatuna St., Camarin ng lungsod.

Kasama sa torso ang karton na may nakasulat na “Mabuhay Tau Gamma hindi mo kaya si Makaw”.

Kinabukasan, nagpunta sa mga pulis ang asawa ng biktima na si Ruth at positibong sa asawa ang torso kahit binalatan ang tattoo sa dibdib ni Tiles.

Ayon pa sa ginang, pinagbabantaan ng suspek ang kanyang asawa dahil sa hinalang may kinalaman si Tiles sa pagkamatay ng pamangkin ni Mandapat.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita ang iba pang parte ng katawan ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.