Chop-chop na katawan, natagpuan sa Caloocan

NATAGPUAN ANG katawan ng isang hindi nakikilalang lalaki na ang ilang parte ng katawan ay pinagputol-putol at saka itinapon sa Barangay 172, Urduja, Caloocan City kahapon ng umaga.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Sub-Station 5 (SS-5), ang putul-putol na katawan ay natagpuan malapit sa Urduja Elementary School sa Bagong Silang dakong alas-6:30 ng umaga kahapon.

Ang chop-chop na parte ng katawan ay natagpuan ng isang concerned citizen na kaagad namang ipinarating sa tanggapan ng SS-5, na walang ulo, walang hita at paa, tanging braso at kamay lang ang nakita sa kinatagpuan sa biktima.

Agad naman ginatasan ni Senior Inspector Ronald Perilla, hepe ng SS-5, Station Investigation Section na agad na magsagawa ng im-bestigasyon upang makilala kung kanino ang ilang parte ng katawan at upang ma-kilala rin kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Kaugnay nito, agad namang nagtungo sa nasabing lugar ang NPD-Scene of Crime Operative (SOCO) para magsagawa rin ng sariling imbestigasyon para sa ikalulutas ng kaso sa lalong madaling panahon.

May palagay ang pulisya, ang hindi nakikilalang bangkay ay pinatay sa ibang lugar at itinapon sa kanilang lugar upang iligaw ang pulisya sa isasagawang imbestigasyon.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.