Chokoleit, tatapatan ang demanda ni Cristy Fermin!

HINDI RAW KATATAKUTAN ni Chokoleit ang demandang isinampa laban sa kanya ni Cristy Fermin sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City noong August 31, kung saan ayon sa demanda ni Ate Cristy (Cristinelli Salazar Fermin), nakasisirang-puri at malisyoso ang mga naging pahayag ni Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia) ang ipinost nito sa kanyang Twitter account.

“Oo, sinulat ko ‘yun. Pero iyon ay dahil galit ako sa kanya. Dahil sobra-sobra na ang ginawa niyang paninira sa akin at tao lang ako para hindi masaktan,” pahayag ni Chokoleit nang kausapin natin siya sa office ni Fanny Serrano kamakailan.

Ayon kay Chokoleit, hindi na raw niya kaya ang mga paninira sa kanya ng kampo ni Miss Fermin. “Ikaw itong sabihang mabaho, pangit at adik? ‘Yung pangit, siguro matatanggap ko ‘yun, dahil kitang-kita namang hindi ako kagandahan. Pero ‘yung sabihing mabaho ako at adik… aba below the belt na ‘yan!”

Haharapin daw ni Chokoleit ang demanda ni Miss Fermin. “Hindi ako natatakot sa demanda niya. Sa demanda ko siya dapat matakot. Dahil kung libel at libel lang din ang pag-uusapan, matagal na panahon na niya akong sinisiraan at hindi lang ako ang kanyang dinudurog pati ang aking pamilya. Dapat siguro, alalahanin nilang tao rin akong marunong masaktan at hindi ko ikatutuwa kung sabihing ako ay pangit at mabaho.”

Sa anim na pahinang dokumento, plus anim na pahinang sipi ng isinulat ni Chokoleit sa kanyang Twitter account na isinumite ni Ate Cristy sa QCRTC, sinabi ni Chokoleit na haharapin daw niya kung anuman ang reklamo sa kanya ni Miss Fermin. “Kung itinuring niya akong anak, sana sinabi niya sa akin nang harapan o tinawagan niya ako,” himutok pa ng komedyante.

Sa kabilang banda, walang pinagsisihan si Miss Fermin sa inihain niyang kaso laban kay Chokoleit. Dahil una at higit sa lahat, below the belt na raw ang mga sinabi ni Chokoleit sa Twitter. “Ako naman anak, hindi mo ako basta basta magagalit. Sanay ako sa mga ganyang laban. Pero kung minsan, kailangan nating putulin ang sungay ng mga taong tulad nila dahil nanunuwag sila,” kay ate Cristy naman ang pahayag na iyon.

KUMPIRMADONG IKINULONG NI Marian Rivera ang baguhang aktres na si Bela Padilla sa taping ng kanilang programa sa Siyete.

“Selos na selos kasi si Marian kay Bela kaya ikinulong niya ito para hindi makita ni Dingdong Dantes,” pahayag iyon ng aming source na nagsasabing on the rocks daw ang relasyon nina Marian at Dingdong.

Kung paniniwalaan ang balita, sa lahat daw ng mga babaeng ini-link kay Dingdong, kay Bela lang daw selos na selos at galit na galit si Marian. “Ewan ko ba sa kanya kung bakit insecure siya kay Bela?” sabi pa ng aming kausap.

Samantala, hindi sa pamimintas, pero sa totoo lang hindi naman ganu’n kagandahan si Bela para “pagselosan” ni Marian. Una at higit sa lahat, maputi lang ito kung tutuusin. Iniisip naming hindi kaya pinaiingay lang na selos na selos si Marian kay Bela para ito pag-usapan, dahil hindi naman ito sikat?

Naku sa totoo lang, matagal na palang nag-aartista itong si Bela, pero ngayon lang namin siya naisulat sa kolum na ito dahil ngayon lang siya pinag-usapan at iyon ay dahil “ginagamit” niya ang Dingdong-Marian. Tsuk!

ALAM NAMIN KUNG paanong pinaghihirapan ng staff ng The Buzz ang ilang Linggong programa. Pinagpupuyatan, pinag-iisipan at ginugugulan nang mahabang oras ang bawat segment na inilalabas.

Saksi kami sa maraming taon kung paanong “niluluto” ang The Buzz para magustuhan ng mga manonood. Prangkahan, hindi kami galit kay Charlene Gonzales at Toni Gonzaga. Pero feeling namin, hindi sila ang “swak” na pamalit sa puwestong iniwanan ni Kris Aquino.

Sana ay huwag masamain. Pero sa totoo lang iba pa rin noong mga panahong sina Kris, Boy Abunda at Cristy Fermin lang ang host ng nasabing show. Matapang at may paninindigan. Pero aminin at dapat nating tanggapin, ang The Buzz lang ang laging pinag-uusapan after their show every Sunday, kahit sabihin pang one-half of the show ay promo lang.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Chokoleit, tatapatan ang demanda ni Cristy Fermin!

  1. saka nga pala dko nilalahat mabibilang sa dalire ang mga columnistang hahangaan mo mgsulat,d cla mapanglait sa blind item my respeto sa kapwa d 2lad ni cristy fermin na nagkapera lang sa kadidikit sa mga maperang tao akala mo dna mauubusan,kaya khit ang pangit ng record pinababango nya,pati mga baguhang artista na ginagalang cya d nya pinatatawad my maisulat lang,kaya yang bulgar madadamay yan sa karma ng pinag ggawa ni cristy nakakawalang ganang basahin,kc puro kris at puro ung mga kaaway nya s showbiz,wala kang makitang maganda nakasulat,ay….meron pla ung pang bobola nya lagi ky willie revillame,hehehe dba nya alam chinichismis yang amo nyang c willie revillame ng mga bugaw sa timog rotonda na baboy yang amo ni cristy na c willie?ewwwww…manang mana ky willie.pkisabi ky cristy galingan nya magdasal o baka ky taning nagddasal yan,sa dami ng galit sa kanya yan na ikamatay m,maawa ksa mga anak mo pati cla nadadamay.feeling mo ckat k?oo kc ang sama ng ugali m lalo na nung namatay nanay m lalo ka nagkkalat.ang tanda u na ganyan kparin,ung mga u2 u2 naman na columnista nkkisakay s kanya.

  2. ask q lang bakit tinotolerate ng channel 5 c ctisty fermin?akala q ba kapatid ang nerwork nla?ska bakit ganun ka lala makapg husga c cristy?malinis ba cya???mrami din cyang baho lalo na mga anak nya kaya dpat mahiya xa unahin niya ayusin buhay nya bago ang iba.mrami na cya nasasaktan bka makarma cya ung bunganga nya mauna.cguro bayaran cya ni wilie kaya ganun nlang nya ipag tangol,nakkasawa mgbasa ng column nya puro paninira wlang bago,dparin cya mkapg move on nu byan lalo na mga talent ng channel 2 akala m npakagaling na nya e para din naman cyang linta,sa mga mapera ang mabango sa kanya,dba nahihiya mga anak nya pinag ggawa nya?sna lang d mapa aga karma nya

  3. whaaaaattttt? Cristy Fermin is hurt by what Chocoleit has been saying about her? What about the actors and other people Cristy hurt in the past, does she ever think of that too? She is so ugly! Sorry, that’s just my opinion! I’m not pretty myself but i treat everyone equally and with respect. I notice that Cristy treat the rich and well known actors/politicians better than the little people. I wonder if they gave her gifts in the past, what do you think people? do u think Willie is paying her to do damage control agains Pokwang and Chocoleit since Willie is mad at them? Who knows!!!!! Cristy is not a good example to be in the limelight, she drags the industry to shame with her personality, she and the likes of Mo Twister, Uma, what’s his last name again? iyong bastos na hambog ba, that’s just my opinion, you don’t need to agree with me, as i said it is just my opinion.

  4. well in regard to the chocolate and that woman cristy…i think its due time for that woman to taste the dose of her own medicine…ang kapal nyang sabihin na pinipitik nya lang ang mga artista pag nakakalimot sila..for what nakakalimot magbigay ng something sa kanya?…dyan aq wlang tiwala sa showbiz authority nang filipinas because if not all, some or most of all can has price…kelan pa kya mag kakaron nag real credible, impartial and honest media….i guess tama ang ang isang professor that said that majority of the media people are bulok and one best example of that is this cristy fermin…perfect example…ang kapal ng mukha nang babae eto!! as in to the highest level…this kind of heartless person should be thrown away from the showbizness, this woman should really lear her lesson..i wonder what kind of karma this woman can get after what she have all done…tsk tsk tsk….this woman is a perfect example of abusing her media power!! abusive heartless kind of a person!! i would say that she does not have the right say that she was hurt when what she was been doing all her media career is to hurt, and ruin the artist career, life, and family!!! this is just a wake up call to her!!!

  5. HINDI dissente ang theBUZZ puro press releases lang so-called explosibong-explosibong chismis ni Kalbo!

    si Kris pa siguro ang nagsasalita ng walang takot, kaso resign ng ang ina ni baby James…

  6. ano naman ang maganda sa palabas talking about one night stands, kung sinong pinakamagaling sa kama, kung sino ang may utang, kung sino ang may mabahong hininga, demandahan just because napikon si cristy and the likes??? natutuwa kayo dyan??? well in that case, i can’t blame you!!!

  7. DISENTE kasi ang the buzz, yan ang walang-wala sa iba! meron pa rin naman RESPETO ang the buzz sa mga artista, na again… WALANG WALA sa iba!

  8. masyado po silang safe mag comment sa the buzz. parang puro na lang we wish them well, ayoko magbigay ng comment… eh bakit pa nag the buzz?

Leave a Reply

Your email address will not be published.