Chokoleit, sumobra na ang pagka-primadonna?!

Totoo bang nag-walk-out ang production people ng isang campaign sortie dahil sa unprofessionalism ng komedyanteng si Chokoleit?

Halos namuti na ang mga mata ng mga taga-production sa kahihintay dahil super late si Chokoleit sa isang kampanya sa Laguna kamakailan. More than three hours late daw kasi ang komedyante. Halos lahat na ng host ay pinahaba na ang kanilang programa. Ang tsika sa amin, nakalimang spot na nga ang mga emcee pero wala pa ring Chokoleit na umaapir.

At nang finally ay dumating na raw si Chokoleit, nag-inarte pa raw ito at ayaw pa raw nitong bumaba kaagad sa kanyang sasakyan. Siyempre, lalong naimbiyerna ang mga taga-production sa kanyang inasal. Late na nga naman siya, nag-iinarte pa siya. Dumating siya ng 12 A.M. na ha? At pakonti na nang pakonti ang mga tao.

Ayun, nang sumampa na raw sa stage si Chokoleit, biglang nag-walk-out daw ang buong production staff. Siyempre, naloka ang komedyante. Naiwan siyang nag-iisa sa stage at wala nang gustong makasama siya.

Nag-apologize naman daw kinabukasan si Chokoleit sa buong production dahil sa kanyang pagka-late.

HINDI NAG-WORK ANG long distance romance ni Ai-Ai delas Alas sa Greek suitor niya.

“Ayoko na po. Ganoon talaga, lola. Oo, wala na, layo eh. Mahirap talaga ang long distance,” tsika ni Ai-Ai. “Nagkakagulo nga sa Greece. Problema nila ang economy nila. Mas okay pa ang economy natin. Maraming protesta roon sa Greece, sa Athens. ‘Yung gobyerno nila, na-bankrupt.”

Bukod sa kanyang career, may pinagkakaabalahan si Ai-Ai ngayon, ang kanyang Ai-Ai’s Ten Ways To Be Happy.

“Hindi naman siya book, parang note lang. Wala lang, ‘pag wala akong magawa. ‘Pag nasa bahay, walang magawa, sulat-sulat. Madalas akong may book tungkol sa happiness. Kasi roon sa mga ibang book na nabasa ko, live a simple life, mga ganyan. Be positive. Basta ito, kung anu-anong mga kalokohan, kapokpokan. Be pokpok once in a while. Maganda ‘yon. Have a sex life. Mag-shopping. Huwag mag-diet kapag hindi kailangan. ‘Pag walang pera, maglinis ng bahay.”

Last weekend ay nagdrama si Ai-Ai sa Mother’s Day episode ng Maalaala Mo Kaya kasama si  Zaijian Jaranilla na binigyan pala niya ng pabaon na P20,000 nang magpunta ito sa Disneyland noong birthday niya.

“Natuwa lang ako, kasi nag-guest nga ako sa May Bukas Pa. Sabi niya, ‘Tita, ang ganda ng kotse mo,’ sabi niyang ganyan. ‘Puwede ba akin na lang ‘yan?’ ‘Sino namang nagturo sa iyon niyan?’ Turo pala nina Dominic (Ochoa). Sabi ko. ‘‘wag na lang kasi bago ‘yan’. Bibigyan na lang kita ng baon kasi pupunta ka sa Hong Kong. ‘‘Wag mo nang kunin ang kotse ko.’”

Nag-sign up muli si Ai-Ai sa Dos. Kasama sa gagawin niya ang isang show with Aga Muhlach. Happy siya sa rating ng Pilipinas Got Talent dahil nakakuha ito ng 55%.

“Grabe, kalahati ng mga Pilipino nanood,” sambit niya.

Sa kanyang 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum this November, balak i-guest ng hitad sina Sharon Cuneta, Joey de Leon, The Hunks, Lea Salonga at marami pang iba.

“Para maiba naman, ako naman ang magpapahipo sa The Hunks. Ha-ha-ha!”

Abangan daw ang Lady Gaga number niya na isa sa highlight ng kanyang concert. Pero nagpauna na si Ai-Ai na hindi niya gagawin ang Lady Gaga kung makakabuntis ang kanyang anak na si Sancho bago ang kanyang concert. “Baka mag-Lola Madonna na lang ako,” biro ng hitad.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Chokoleit, sumobra na ang pagka-primadonna?!

  1. Congratulations to Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagkapanalo mo bilang 15th President of the Philippines. Maraming salamat sa lahat ng kababayan nating Pilipino na bumoto na naaayon sa konsensiya nila na naghahangad ng pagbabago sa ating bansa, “MABUHAY TAYONG LAHAT.” “GOD BLESS THE PHILIPPINES AND PRESIDENT NOYNOY AQUINO”…….

  2. Bakit itong si ai-ai ang daling magpalit ng lalaki pero walang sinasabi ung ibang tao, pero kung banatan nila at lait-laitin si kristine hermosa ay ganun na lang. At hindi lang si ai-ai ang ganun, marami pang artista ang papalit-palit ng lalake.

  3. may kumukuha pa ba dito..eh tambay ito sa mall of asia malapit sa sikat na coffee shop..may inaabangan at mukhang naghaharass ng isang crew dun…ay naku to see is to believe….mukhang adik at laging bangag…tsk tsk..primadonna yuck laos na bading

Leave a Reply

Your email address will not be published.