Chokoleit, naghamon sa nagtuturong lulong daw siya sa shabu!

HINDI NAMIN NAGUSTUHAN ang nakarating sa aming balitang inihatid ng manunulat at kritiko na si Mario Bautista sa isang kasama at officer ng bagong induct na ENPRESS (Entertainment Press Society), Inc. na pinamumunuan ngayon ni Jun Nardo.

Diumano, may nag-e-mail kay Tito Mario na Vilmanian, ayon sa kanyang kuwento. At isang araw bago ang aming Induction, kung saan ang Megastar na si Sharon Cuneta ang mag-i-induct sa amin kinabukasan (noong February 3 sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde), binasa sa amin ang text message ni Tito Mario.

Ang sabi raw ng mga Vilmanians na nag-e-mail kay Tito Mario, hindi na raw magkaka-grandslam ang kanilang idolo as Best Actress. At ang akusasyon agad nila, nagsimula na diumano na manggapang at ito nga ang mag-i-induct sa ENPRESS kaya tiyak daw na ito ang papanalunin ng grupong may hawak ng Golden Screen Awards.

Dagdag pa nila, wala namang credibility ang aming award-giving body kaya huwag na raw ibilang. Na-delete lang daw ni Tito Mario ang nasabing e-mail pero ‘yun ang nilalaman ng ipinahatid sa kanya ng nagpakilalang mga Vilmanians.

Akala ba naman namin eh, nag-mature na ang mga tagahanga ng mga tinitingala ng aktres na gaya ng Star For All Seasons. Pero hanggang ngayon, marami pa rin pala sa kanila ang may klase ng mentality na kahit ayaw mong patulan eh, kailangan mo pa ring sagutin. Magre-reflect na naman tuloy ito ngayon sa kanilang idolo. Eh, kung gusto nilang lagi na lang ang idolo nila ang Best Actress at manlalait pa sila ng mga nagbibigay ng awards, bakit hindi na lang sila magtayo ng sarili nilang award-giving body? Para all the time eh, grand slam sa paningin nila ang kanilang idolo.

Hindi kami ang tipong namemersonal. At marami sa kanila ang alam kung gaano namin minamahal ang kanilang idolo. Pero sa pagkakataong ito, kung sinuman ang mga nagsasalita ng ganito laban sa aming grupo, datihan man kayo o baguhan sa pagiging member n’yo ng fan club ni Ate Vi, mag-isip-isip muna kayo.

Naiintindihan ko. Mananatiling napakagaling ni Ate Vi sa puso n’yo. Eh, teka, sinubukan n’yo na bang manood ng ibang pelikula na may mga matitindi ring nagsisiganap? Ang movie industry eh, hindi iisa lang ang aktres. Kaya nga labanan ‘yan, eh. Pero bakit kailangang mamersonal?

Masaya ito, kung ganitong klase ng gulo ang sinisimulan ng Vilmanians. Dahil aalisin n’yo ang respeto ko sa inyo, na ibinahagi ko sa pagiging kaibigan din ng inyong idolo. Hindi n’yo alam na marami sa mga kaibigang manunulat ni Ate Vi sa grupong ito ang pinasama n’yo ang loob.

At hindi rin kayo nag-iisip, ano? Hindi ba’t magsasama sa isang pelikula si Mega at Ate Vi? ‘Di ba isang malaking kaplastikan at kaipokritahan ‘yan? Ano? Papakitaan n’yo ng hindi maganda si Sharon sa sandaling mag-shooting na sila o pa-plastikin n’yo lang?

Mag-isip nga kayo bago kayo magsasalita ng mga bagay na marami naman sa inyo ang wala rin namang naiintindihan. Pasensya, pinainit n’yo ang ulo ko!

MAINIT DIN ANG ulo ni Chokoleit sa nagsulat at nagturo sa kanya na diumano’y gumagamit siya ng bawal na gamot.

Isang text message ang natanggap ni Chokey mula sa isang kaanak na apektadong mabuti sa kanilang nabasa. Kaya, galit din ang naging reaksiyon ng komedyanteng pinagbintangan pa na siyang dahilan kung bakit hindi raw matutuloy ang Kokey.

Sabi ni Chokey, tuloy na tuloy ito at nagkakaproblema lang sa ilang mga bagay.

Hay! Bakit ba ang mga tao, mas gusto na may mga nag-aaway at nagkakagulo?

Ke rami raw blessings na dapat na ipagpasalamat ni Chokey ngayon. Sa nagkakalat daw ng balita, harapin n’yo raw si Chokey at mismong sa harap n’yo siya sabihan na lulong nga siya sa pagsa-shabu!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

13 thoughts on “Chokoleit, naghamon sa nagtuturong lulong daw siya sa shabu!

  1. A bad apple doesn’t spoil the bunch. One bad teacher cannot condemn a school system; one or two steroid users cannot implicate all of baseball; one or two convicted politicians should not indict a legislature; one or two rogue cops should not be the reason to stigmatize its department, its leaders and the entire community.

    Cooler, unbiased reason must prevail. Rabble-rousing must stop until the facts are sorted out.

  2. You don’t even know if this edsan is really a fan of Vilma or he’s just out to destroy Vilma and the Vilmanians and if he really is a fan, his sentiment is not the sentiment of Vilma and all the Vilmanians. Second, if this edsan really emailed his sentiments to Mario Bautista, Mario Bautista betrayed his friendship with this certain edsan. I just can’t believe there are people who choose to give weights to what a person said like this edsan that they don’t even know personally over Vilma and didn’t take into consideration of the friendship they’ve built over the years with Vilma. This is really SAD!

  3. Di naman yata tama na ang maling ginawa ng isang tao ay damay ang lahat na wala naman kinalaman sa ginawa ng taong yan lalong lalo na si Ate Vi.

  4. Di natin alam kung totoong Vilmanian yan nagpadala ng email na yan kay Mario Bautista or may nagpapanggap at gumagamit lang ng pangalan ng Vilmanians para gumawa ng issue. ANg masasabi ko lang sa ganyang klaseng tao ay KSP (Kulang sa Pansin)

  5. Sana naman siguraduhin muna kung totoo ngang tagahanga iyong ni Vilma ang nagpadala baka naman naninira lang. Dapat itinabi ni Mario Bautista yun email para may katibayan.

  6. Kung may isa or ilan ang nagsalita ng di maganda, di ibig sabihin lahat ng Vilmanians ay ganya. Pagpasensyahan niyo na lang yun taong yun baka may problema sa buhay at kayo ang pinagbuntungan ng sama ng loob niya.

  7. Kung di totoo na may paboran at gapangan wag kang balat sibuyas at magalit. Baka naman guilty kaya ka nag react !!!
    Bwahhhhhh!!!

  8. Ano ba itong si Pilar Mateo, gusto pang itulad ang ibang tagahanga sa fans ni nora na nagtayo ng sariling award giving bodies para lang magka award. Mukhang ikaw yata Pilar ang makitid ang utak!

  9. Pilar Mateo, how sure kayo ni Mario Bautista na totoo nga mga Vilmanians ang nag email kay Mario Bautista? Baka naman nagpapanggap lang na Vilmanians para magalit kayo sa mga Vilmanians. Maski na delete na ni Mario Bautista ang email, I’m sure matatandaan naman niya ang name ng nagpadala sa kanya then we can tell kung totoo nga Vilmanians and if totoo nga Vilmanians ang nagpadala sa kanya then we will talk to that person. Ang opinions of some not necessarily the opinions of all the Vilmanians.

  10. si chokey madalas makita namin yan dito sa MOA inaabangan yung boylet na crew dito sa isang coffee shop..mukhang adik nga sya kasi lupaypay ang itsura…di siguro shabu tinitira mahal yun eh…eh wala naman pera to baka marijuana

Leave a Reply

Your email address will not be published.