Chiz, ayaw maging presidente

ITINANGGI NI Senator Francis “Chiz” Escudero ang anumang posibilidad na kakandidato siya bilang pangulo ng bansa at sinabing kuntento na siya sa pagiging senador.

Sinabi ng Senador na hindi na niya hangad na maging presidente pa ng Pilipinas.

“I’m on my last term (of office) and just doing my job, my mandate. I’m quite satisfied with where I am right now, with my professional and personal life,” Pahayag ni Escudero.

Ayon pa sa mambabatas na hindi siya nagha-handa para sa presidential elections sa 2016.

Habang hayagang inaamin ng ilang pulitiko ang planong pagkandidato sa pagka-pangulo sa taong 2016, inihayag ng senador na hindi niya nakikita ang sarili bilang hahalili kay Pangulong Noynoy Aquino III.

“I’m not getting additional staff (members) or doing anything that has something to do with the next round or any elections in the future. Like I said, I’m happy where I am professionally and personally. I could not ask for anything more”, dagdag pa ni Escudero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.