Chito Miranda, nilinaw ang isyu ng pagkakaroon diumano ng anak

ILANG ARAW na ang nakalipas, isang gossip blog ang nag-upload ng mga diumano’y exchange of conversations between Chito Miranda at diumano’y kanyang anak. Hindi naman kumpirmado kung authentic nga ang naturang facebook posts pero kaagad na kumalat ang balitang may anak na daw ang bokalista at ito nga raw ang sinasabing nagpakalat ng kanyang private video.

Pero lahat ito ay itinanggi ng mang-aawit sa post nito noong August 8 sa official facebook fanpage ng kanyang bandang Parokya Ni Edgar na may lagpas tatlong milyong followers.

Aniya, “Musta? Sorry kung medyo matagal akong hindi nakapag-post. Daming nangyari sa akin this week eh. Anyway, kaka-uwi lang namin mula sa tvc shoot para sa bagong commercial ng Tanduay. Nagalit mga kabanda ko sa akin kasi may mga anak na daw pala ako tapos di ko man lang sila sinabihan. Nagtampo tuloy si Dindin kasi bakit hindi ko daw sya kinuhang ninong. Nag-sorry ako kasi kanina ko lang din nabalitaan na may mga anak na pala ako. Akala ko talaga chismis lang! Parang gago ‘yung nag-imbento nung chismis na yun. Hehe! Buti nalang di hamak na mas gago mga kabanda ko. Hahaha! Bukas pala nasa Ormoc kami kasama ang Tanduay 1st 5 bands. Tapos Cebu naman sa Saturday. Kitakits!
—@chitomirandajr
Nakaka-miss mag-post. Namiss ko kayo. Namiss ko ‘tong FUNpage. Buti na lang walang iwanan sa Parokya. Peace and Rakenrol.”

May mga comment naman sa maraming blogs at internet sites na dapat daw ay pakasalan na ni Chito si Neri Naig para maisalba sa kontrobersiya. Kasi nga naman, paano kung biglang mabalitaan na lang nating hiwalay na ang dalawa in the coming days or months, so what do you think Chito?

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Chito Miranda, nilinaw ang isyu ng pagkakaroon diumano ng anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.