Chito Miranda-Neri Naig video scandal, installment ang labas?!

‘KALA NG marami ay tapos na ang video scandal nina Chito Miranda at Neri Naig, dahil natabunan na nga ito ng sex video naman nina Wally Bayola at Yosh ng EB Babe.

Aba, “hulugan” pala ang video, dahil heto’t I’m sure napanood n’yo rin ang “part 2” ng Chito-Neri na umabot naman sa 11 minutes and 20 seconds ang video.

So, ibig sabihin, malamang may part 3 pa ito at inuunti-unti lang.

Nakakalungkot lang at ilang “shared” ng naturang video ang nakita namin sa timeline ng aming facebook. Sana, ‘wag na ‘tong isine-share.  Lalo na kung me mga friends kayong menor de edad sa fb na maaari nilang mapanood ito.

Kami nga, honestly? Naumay, eh.

Saka kung babasahin namin ang kanilang eksena, parang gustung-gusto nilang binibidyo ang kanilang ginagawa. Kaya kung hahanapin mo ang ugat, eh silang dalawa talaga.

Anyway, nand’yan na ‘yan. Kahit silang dalawa na aware sa ginawa nila ay hindi naman siguro nila gusto na ito’y kumalat, eh. Nanakaw lang talaga ang hard drive, kaya ewan kung hanggang kelan me video tayong mapapanood.

Sana, tapos na.

Nakakaawa sila.

 

MULA NANG lumabas ang blind item tungkol sa isang young actor na may video scandal na “hinahada” ang kaklase sa kolehiyo (na ngayon ay hawak pa rin ni Kaklase ang video at sana nga’y ‘wag itong i-viral) ay may nakausap naman kami na isa ring taga-industriya.

Kahit daw sa character actor na si LP ay na-link din ang young actor na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin at maging sa isang singer ay nali-link din ang bagets.

Kahit siguro kami man ang maging manager ng batang ito ay hindi namin siya pahihintulutang mag-out para maging malaya na. Unless, magku-quit na siya sa showbiz, kaya siya aamin.

Pero ‘wag, bagets. Sayang, eh. Ang guwapo pa naman ng batang ito na gabi-gabing napapanood sa teleserye. At kahit naman natsitsismis itong bading, marami pa ring “kafatid” ang nag-iilusyon na maikama siya, eh.

Lalo na’t ang sabi ng “ibong pipit”,  dakengkang ang bagets na ‘to. As in isa, dalawang dangkal, me sasampalin ka pa.

Magdasal lang ang bagets na ito na sana nga ay burahin na ni Classmate ang 10 seconds video na kitang-kita ang mukha niya habang hinahada niya ang kaklase.

But according to my source, “Tito, nakausap ko po. Hindi raw po niya ilalabas talaga at wala raw po siyang balak na ilabas ‘yon, dahil kita ang mukha nila pareho.”

‘Yun naman pala.

 

SHOWING NA today ang Kung Fu Divas nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera. Sobrang sipag ni Mareng Ai-Ai mag-promote. Ultimo mall tour, pinupuntahan niya.

“Mare naman. Hindi dahil me puhunan din ako dito, ha? Sobrang ganda lang talaga ng movie. One of a kind at sana mapanood ng marami. Pinaghirapan talaga namin ‘to.”

Oo nga, eh. P60M nga raw ang production cost nito na kung susumahin mo, kailangang maka-P120 million ito para masabing kumita nga.

Pero ‘pag maganda naman talaga ang isang pelikula, ang mga nakapanood na mismo nito ang siyang magpo-promote sa mga kapitbahay, kaibigan at kaanak nila, eh. Word of mouth, ‘ika nga.

Kaya good luck sa Kung Fu Divas.

Ang nagdirek nito ay direktor din ng The Buzz, si Onat Diaz.

Na incidentally, Diaz din kami, ‘di ba? Pero hindi kami magkamag-anak.

Hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Chito Miranda-Neri Naig video scandal, installment ang labas?!

  1. THE NEW VIDEO OF CHITO AND NERI’S SHOWS HOW PERVERTS THESE TWO PEOPLE ARE. THEY ONLY HAVE THEMSELVES TO BLAME FOR THE SCANDAL. TAMA SI OGIE, NAKAKAUMAY NGA ITONG VIDEO PART 2. THEY WERE BORING TO WATCH AND YOU WOULD NOT WANT TO REPEAT WATCHING IT. SO WHEN IS PART 3 GONNA BE ISSUED?

      • Palusot.com! hakhakhak! Aminin mo na lang teng malibog ka rin kaya ka nacurious. Inaasahan mong lalabasan ka pero nabigo ka kaya ka naiirita. hakhakhak!

      • Boba, in the first place sinabi ko bang pinanood ko?! Jusko, kung manonood na lang din naman ako ng dalawang matsing na nagtotorohan, tulad nina Chito at Neri, sa Manila zoo na lang! Live show pa! hakhakhak!

      • Boba, in the first place sinabi ko bang pinanood ko?! Jusko, kung manonood na lang din naman ako ng dalawang matsing na nagtotorohan tulad nina Chito at Neri, sa Manila zoo na lang! Live show pa! hakhakhak!

      • Troy, hindi talaga ako makapasok sa link na yon, palaging walang laman, nagkainan ba ng hotdog at bibingka sila Neri at pangit na yan? Curiosity lang ho dahil daming nagsabi na ewwww daw ang video scandal na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.