Chito Miranda & Neri Naig: For Better or Worse

CHITO MIRANDA
Real Name: Alfonso Miranda Jr.
Birthdate: February 7, 1976
Zodiac Sign: Aquarius

NERI NAIG
Real Name: Nerizza Garcia Presnede Naig
Birthdate: September 7, 1985
Zodiac Sign: Virgo

NAGING MAINGAY ang pangalan ng Parokya ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda at ang ex-Star Circle Questor na si Neri Naig. Isang eskandalo ang yumanig sa mundo ng showbizlandia sa paglabas ng kanilang intimate video. Alam naman ng lahat na magkasintahang tunay sina Chito at Neri, pero marami pa rin ang nabigla sa paglabas ng pribadong video na ito.
Agad humingi ng paumanhin at pag-uunawa ang lalaki sa pamamagitan ng social networking sites na Twitter at Instagram. Samu’t saring reaksyon ang nakuha nito sa mga miron, pero sa aming pananaw ay mukhang hindi bibitawan ng bokalista ang babaeng iniirog.
Sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng magkasintahan, ito ba’y hudyat ng kanilang paghihiwalay, o mas lalo ba nitong pagtitibayin ang kanilang pagsasama? Tanungin natin sa mga bituing ubod ng ningning…
Mataas ang tsansang dumiretso hanggang simbahan ang pagsasama ng Aquarius at Virgo dahil sa kanilang mental rapport. Gayunpaman, magkaiba sila ng pananaw tungkol sa buhay. Mas gustong gugulin ng Virgo ang isang specific na detalye ng isang sitwasyon kaysa tingnan ang pangkalahatang epekto nito. Mas malawak naman ang isip ng Aquarius pagdating sa kung anu-anong bagay. Matutulungan ng Virgo ang Aquarius na mag-focus sa pinakaimportanteng bagay.
Pagdating naman sa usaping pag-ibig, mas malakas ang kanilang intellectual bond kaysa sa usaping emosyonal. Mas sensible gumalaw ang Virgo kaysa sa Aquarius. Kung minsan, ito rin ang puwedeng ikasanhi ng kanilang pag-aaway. Maingat ang Virgo habang ang Aquarius ay may pagka-careless.
May initial spark ang Aquarius at Virgo, pero maituturing na pagsubok kung paano patatagalin ang interes nila sa isa’t isa. Maiinlab ang babaeng Virgo sa katalinuhan at talent ng lalaking Aquarius, pero maaari itong maglaho kung lumabas ang mga negatibong ugali nito. Sa pagsasamang ito, importante na matutunan nilang i-accept ang positive and negative traits ng isa’t isa kaysa baguhin ito. Kung malagpasan nila ang pagsubok sa rurok ng getting-to-know stage, puwede naman maging happily ever after ang ending nito.
Umpisa lang ito para kina Chito at Neri kahit mahigit isang taon na silang magkasintahan. Abangan na lang natin kung ‘for better or worse’ ay sila pa rin ang tambalang magtatagal. Apir!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Chito Miranda & Neri Naig: For Better or Worse

  1. Bakit kailangan pa kasing i video ang pag se-sex? bakit galit kayo kay Hayden Kho pero parang ok lang kay Chito”kuya Kim” Miranda? pareho lang nilang ni record ang pas se-sex nila. hindi na importante kung me consent ang partner o wala. ang punto paano kung manakaw nga. kaya kagaguhan ang i-record pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.