Chinese Vessel, Nagkaaberya sa Tubbataha Reef

KINUMPIRMA NG Philippine Coast Guard (PCG) na isa pang dayuhang barko ang nagkaaberya malapit sa Tubbataha Reef.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, partikular na sangkot sa naturang insidente ang Chinese cargo vessel na MV Tai An Hai makaraang ito ay dumanas ng engine trouble o problema sa makina habang naglalayag sa Sulu Sea.

Samantala, agad namang ipinadala ng PCG-Palawan ang BRP Pampanga para saklolohan ang nagkaproblemang barko.

Napag-alaman na ang naturang barko ay may kargang limestone at galing ng Singapore.

Patungo naman ng Bohol ang nasabing barko nang magkaaberya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.