Chinese Trader, Utas sa Ambus

ISANG NEGOSYANTENG Chinese ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa loob ng kanyang restaurant sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Sa blotter ng Cotabato City Police, pumasok ang dalawang lalaki sa restaurant na pagmamay-ari ng biktimang si Antonio Tee Cuakok, 53-anyos  at nagpanggap na mga kustomer at bumili ng softdrinks.

Sinundan ng mga suspek ang biktima sa loob ng kusina saka ito pinagbabaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril habang bigo ang pulis na malaman kung may nawalang salapi sa kaha ng nasabing establisimiyento.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.