Chinese intrusion, kinondena ng ‘Pinas

NAGPAHAYAG NG protesta ang Philippine government sa umano’y hayagang panghihimasok ng Tsina sa teritoryong pag-aari ng bansa.

Itinuring ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na “serious concern” ang insidente na pagpasok ng tatlong Chinese navy ships sa territorial water ng Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ang tinutukoy ng kalihim ay ang naiulat na citings ng tatlong barko ng China sa Sabina Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea noong December 11 at 12, 2011.

Ang Sabina Shoal ay matatagpuan sa layong 123.6 nautical miles mula sa Palawan at ma-linaw umanong nasasa-kupan ito ng sobereniya at maritime jurisdiction ng ating bansa.

“These instrusions of the Chinese are clear violations of the 2002 ASEAN-China Declaration on the Conduct of Parties (DOC) in the South China Sea as well as the provision of the United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon sa pahayag ng kalihim sa ipinalabas na kalatas ng nasabing ahensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.