CHINA VS. TAIWAN VS. PH; BINAY VS. ROXAS; DRUGS AT FRAUD, ETC. :LABU-LABO NA ANG ISYU!

MARAMI ANG LUMILIHAM sa akin para humingi ng paglilinaw tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Pilipinas, Taiwan at China. Pati na rin ang tungkol sa pagbiyahe nina Vice-Pres. Binay at Sen. Mar Roxas sa mga bansang iyon. Narito ang maikling paglilinaw:

Ang Taiwan ay probinsiya lamang ng China. Ang China ang kinikilala natin bilang isang bansa kaya’t sa kanya tayo may diplomatic relations. Ganunpaman, may relasyon tayo sa Taiwan dahil tra-ding partner natin ito at meron tayong 72,000 mga Pinoy na nasa Taiwan. Samakatuwid, ekonomiko ang relasyon natin sa Taiwan. Mortal na magkaaway ang China at Taiwan.

Ilang linggo na ang nakakaraan, nadakip natin ang 14 na Taiwanese at 10 Chinese dito dahil sa international scam na bumibiktima sa mga Chinese at nakatangay sila ng $20 milyon. Ipina-deport natin sila sa China. Nagalit ang Taiwan dahil dapat daw ay sa kanila pina-deport ang mga suspek. Sabi natin, ang China, at hindi Taiwan, ang kinikilala nating bansa. Naga-lit ang Taiwan at nagbantang iipitin nila ang mga OFW na papasok ng Taiwan.

Samantala, ang tatlong Pinoy na nasentensiyahan sa China dahil sa drug trafffic-king. Batas ng China ang ginamit sa kanila. At ang pagbiyahe ni VP Binay roon ay para pakiusapan ang China na ibaba o ipagpaliban ang sentensiya. Pumayag ang China sa pagpapaliban. Marami ang natuwa kay VP Binay.

Na malamang ikinainggit ni Sen. Roxas kaya tumulak naman siya ng Taiwan para diumano hilutin ang problema sa Taiwan. Walang nangyari sa lakad niya. Nasermunan pa siya at si P-Noy ng Taiwan. At gusto nilang magdispensa ang ‘Pinas sa kanila.

Ayan, nasabak na tayo sa pandaigdigang pulitika. At sa larangang ito, madalas na tayo ang nagagamit at pinag-aaway-away. Hindi kaya panahon na para sila naman ang gamitin natin? ‘Di ba puwedeng samantalahin natin ang kanilang bangayan para sa ating kapakinabangan? Lagi na lang tayong sinisipa-sipa sa pandaigdigang diplomasya.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanu-ngan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com.

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.