China Bukas sa Bagong Joint Cooperation sa ‘Pinas

BUKAS ANG China sa pagkakaroon muli ng panibagong joint cooperation sa Pilipinas upang paigtingin ang relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Ma Que King.

Naniniwala ang Chinese ambassador na ito na ang magandang pagkakataon na i-develop muli ang friendly exchanges ng China at Pilipinas.

Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy na pagpapakita ng puwersa ng China sa pamamagitan ng pag-deploy ng kanilang Chinese military vessels sa Ayungin reef.

Tumanggi namang magbigay ng komento si King hinggil sa inihaing diplomatic protest ng bansa laban sa China.

Inihayag rin ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na nakapag-usap sila ni Ambassador King partikular ang isyu sa Ayungin reef.

Samantala, ayon kay Gazmin, nilinaw nito sa Chinese ambassador na hindi magtatayo ng panibagong structure ang bansa sa lugar, ang ginagawa lamang ng militar ay ang pagre-supply sa mga tropa na nasa lugar na isang routinary activity.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.