Chin Chin Gutierrez, madre na?!

HINDI NAMAN pala ganu’n ka-daring ang pagrampa ng alaga kong si Pauleen Luna na guest sa underwear fashion show ng Dickies na ginanap sa SM-MOA Atrium nu’ng nakaraang Sabado.

Ang sabi kasi, nag-react daw si Bossing Vic nang ipinadala sa kanya ang imbitasyon ng show na ‘yun, dahil nakalagay ang Dickies underwear.

Akala niya siguro, rarampang naka-panty at bra si Pauleen. Siyempre hindi naman puwede ‘yun dahil nasa mall, kaya wholesome sila. Parang undershirt lang nga ang suot ni Pauleen at naka-jeans ito. Kaya okay na ‘yun.

Gusto sana nilang dumalo si Vic bilang suporta na lang kay Pauleen. Pero family day pala ni Vic ang Sabado dahil nakalaan daw ang araw na ‘yun sa anak niyang si Vico. Kaya hindi mo na makuha sa kanya ang araw na ‘yun.

Hindi naman umaasa si Pauleen na dadalo ‘yun dahil siyempre, tahimik lang sila sa relasyon nila, at ayaw naman nilang pag-usapan pa ‘yun sa publiko.

Kung dumating du’n si Bossing Vic, eh, ‘di napag-usapan na naman sila at pinagkaguluhan na ng media.

Nu’ng hindi sumipot si Vic sa show na ‘yun, akala nila kontra sa pagrampa du’n ni Pauleen.

Sabi naman ng alaga ko, hindi nakikialam si Bossing Vic sa mga project na tinatanggap namin.

Siguro nagulat lang daw ‘yun sa imbitasyon na underwear ang nakalagay, pero hindi naman niya pinigilan si Pauleen.

Kahit si Pauleen naman tahimik lang din at ayaw na rin niyang pag-usapan pa ang tungkol sa kanila ni Vic. Lagi na lang daw kasi siya ang natatanong at sumasagot kaya tahimik na lang daw siya.

Basta masaya naman daw sila at wala naman daw problema.

Ako naman, type ko ‘yung pagsali ni Pauleen sa fashion show ng Dickies underwear dahil mabait sa akin ang mga may-ari n’yan.

Sana nga kunin na nila si Pauleen na image model nila. Baka nga kunin nila.

 

NAGULAT NAMAN ako sa nakarating sa Startalk na kuwento na isa na raw madre si Chin Chin Gutierrez?

Ang nakarating sa research ng Startalk na naging Carmelite sister na raw si Chin Chin. Kaya pala hindi na ito napapanood sa mga drama series.

Naku, ha! Muntik na ‘yang nakabangga ni Lorna Tolentino kung nagsama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN 2 na nagkasakitan pa sila sa isang eksena.

Iyon na yata ang huling nagawa ni Chin Chin at nawala na ito. Iyun pala nag-madre na!

Sinisikap pa rin ng Startalk na kausapin ang mga Carmelite sisters para makumpirma lang kung isa na ngang madre si Chin Chin.

Abangan n’yo na lang ‘yan sa Startalk!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

6 thoughts on “Chin Chin Gutierrez, madre na?!

  1. AY MAY LUMABAS NANG ARTICLE NA DINENAY NI CHIN CHIN AT NG FAMILY NYA ITECH. SINO BA KASI ANG NAGPAKALAT NITO? DI RAW PALA TOTOO.

  2. TULUYAN NA YATANG NABALIW ITONG SI CHIN CHIN, DI BA NGA MAHILIG MAKIPAGUSAP SA MGA INSEKTO ANG BABAENG YAN? HAHAA

      • AY TEH. WA KA MAGAGAWA. COMMENTS SECTION ITO EH. PERO TAMA KA. I REMEMBER YUNG TIME NA PALAGING LAMAN NG B.I. SI CHIN-CHIN DAHIL NAGING ENVIRONMENTALIST ITO AT NAKIKITA RAW NA NAKIKIPAG-USAP SA MGA HALAMAN AT MGA INSEKTO. HAHAHAHA. KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.