Chin Chin Gutierrez, idinenay na isa siyang lesbiyana – Julie Bonifacio

DIRETSAHANG SINAGOT NI Chin Chin Gutierrez ang tanong ng marami sa show business sa pagiging environmentalist niya to the point na kinakausap niya ang paru-paro at halaman. Dahil dito, marami raw ang nawe-weirduhan sa kanya at kulang na lang sabihin na nababaliw na siya.

“ Naku, siguro  naman I wouldn’t be given  the recognition ng Time Magazine kung ganu’n-ganu’n lang ako. Huwag na nating dagdagan pa ‘yung hirap ng advocacy kasi mahirap na maging malabo ‘yung cause (sa environment). Kasi people would think na napakababaw ‘pag hinaluan ng mga ganyang kwento. E, ang pinag-uusapan dito buhay na ng tao,” sagot ni Chin Chin sa solo presscon niya para sa bagong teleseyre sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw.

“Bakit magiging ka-weirduhan ‘yun? People nga  talk to their pets, e. ‘Di ba  weird ‘yun? May pangalan pa nga, e. Dinadamitan pa,” madiing depensa ni Chin Chin.

Natsitsimis din ngayon si Chin Chin na isang lesbiyana. Sa tinagal-tagal na rin ni Chin-Chin sa showbiz walang naging major issue na na-link siya sa kanyang co-actors. And up to now, walang nabalita na naging boyfriend si Chin Chin sa ganda niya, ‘di ba?

“I’m not,” sabay tawa ni Chin Chin. “Kung para sa akin ipapaubaya ko sa Diyos. So, kung ipagkakaloob Niya sa akin it’s up to Him. Nag-iingat ako na maging tama ‘yun, dapat maging tama hindi lang ‘yung lalaking pipiliiin ko kundi ‘yung mga choices ko. Puwede Niyang  ipagkaloob ‘yun or kung tatawagin Niya ako na mag-serve sa Kanya. Mahirap, e.”

Naghihintay din kasi si Chin Chin ng sign from the Lord kung mama-madre rin siya tulad ng kanyang yumaong ina. Pero curious naman kaming malaman kung wala rin kayang dating  kay Chin-Chin sina Gabby Concepcion at John Estrada.

“Talaga? Ha! Ha! Ha!  Kasi hindi delicious ang pagtingin ko sa kanila.  Hindi kasi, Gabby for example I don’t know him personally but I know he went through a lot. Happy ako for him because I know  he’s happy in his element. He’s acting again. Si John also kasi other guys looked up to him also as the model to ano, I mean, John has a girlfriend. And I’m not really looking on that kind of  relationship. But I admire him for well, being the actor that he is,” esplika ni Chin-Chin.

SINAGOT NA NG nakababatang kapatid ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.  na si Bacoor Mayor Strike Revilla ang mga sinabi ni Rosanna Roces tungkol sa pagkakaroon daw ng sumpa ng pamilya nila.

“Alam mo, sa totoo lang hindi  naman tayo nakikihalo para  d’yan. Sana naman ‘yung mga ganu’n …. That’s uncalled for. E, hindi natin, kami hindi namin  papatulan ang mga ganu’n. E, masaya naman kami ngayon  kung anuman ang meron ang pamilya  ko,” lahad ni Mayor Strike sa launching ng “Bakood Festival ‘09” sa Bacoor na magsisimula sa Augsut 25 hanggang September 25.

In fairness kay Mayor Strike, up to now ay wala namang nababalitang nobya siya ngayon. In fact, at the age of 39  ay binata pa rin siya. Although, ang huling girlfriend niya ay ang cancer survivor na si Pinky Tobiano. Kaya baka nga raw sa kanya maputol ag sinasabing sumpa sa pamilya Revilla, ang pagiging babaero.

“Hindi naman,” nakangiting sabi ni Mayor Strike.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

6 thoughts on “Chin Chin Gutierrez, idinenay na isa siyang lesbiyana – Julie Bonifacio

  1. talaga! single pa pala si mayor strike! then that makes him the most elligible bachelor in cavite! hehehe. pero alam ko may 1 anak na yan..teenager na.

  2. pati ba naman ito, chinchin is such a wonderful person, buti pa nga siya malaki ang concern niya sa environment natin.

  3. I talk to my dog and my plants. I buy dog clothes for my dog and lots of sweaters for the winter. We sleep with our dog also. there’s nothing wrong with what Chin is doing. Talking to plants make them flourish.
    It’s the carbon dioxide that we exhale that plants love.
    Keep on talking to those creatures Chin. They need a lot of loving.

    • sus naman! eh anu naman kung sakali ngang lesbian sha? wala naman masama dun. di na dapat issue ang sexual preference ngaun no, hello! saka there’s nothing wrong with talking to plants or animals. tama si taaskilay sa mga sinabi nya. may scientific findings na mas mabilis at maganda ang tubo ng mga halaman pag kinakausap sila. as for talking to ‘butterflies’ they are just liek other animals, like our pets, na kelangan ng TLC.

Leave a Reply

Your email address will not be published.