Stars Candid: Childstars noon, pantasya ngayon!

Naaalala niyo pa ba ang mga batang paslit na nagpatawa at nagpaiyak sa atin noon? Lagi natin silang napapanood sa mga pelikulang pampamilya at mga sitcom na pangmasa. Hindi ba’t halos gusto niyo silang iuwi at ituring na parang sarili nating mga anak o babaeng kapatid?

Isa sa mga priniproblema ng mga sumikat na childstars ay ang paglaki. Hindi ko naman sinasabi na hindi sila tumatangkad o nagmamature, pero mahirap tanggalin sa isip ng kanilang mga tagahanga na mga dalaga na sila. Ang iba sa kanila ay tuluyang nawalan ng ningning pero meron din naman sa kanila ang naging mapangahas sa kanilang mga proyekto kung kayat pinapantasya na sila ngayon.

Sinu-sino nga ba ang mga artistiang childstar noon pero pantasya na ngayon? Narito ang ilan sa kanila. Naku, dalaga na nga si Ineng!

Camille Prats – Sino ang mag-aakalang may anak na si Princess Sarah? Hindi natin maikakaila na si Camille Prats ang pianakasikat na childstar noong kapanahunan nya. Madaming bata ang naghahangad na sana ay maging katulad nila si Princess Sarah. Tinangkilik natin ang kanyang mga pelikulang kadalasa’y tungkol sa pamilya at nakita natin ang kanyang transformation from a childstar to a budding mature actress. Nagpakita rin ito ng kanyang kaseksihan sa ilang magazine pictorials bago ito tuluyang maging isang hot momma.

Angelica Panganiban – Siya palagi ang bestfriend ni Camille Prats sa pelikula at telebisyon nung bata pa sila. Naalala niyo ba ang batang si Becky na nakatira sa attic? Eh ang matapobreng bata sa Ang Pulubi at ang Prinsesa? Madami ang natatakot para sa showbiz career ni Angelica noong teenager ito dahil tabain siya. Buti na lang at nagawan nya ito ng paraan kung kaya’t kinikilala siya ngayon bilang isa sa pinakaseksing pinay na tunay na pinananabikan ng mga barako.

Judy Ann Santos – Alam ba ninyo na bago sumikat si Juday bilang Mara ay una muna siyang nagbida sa Ula: Ang Batang Gubat? Tsikiting pa lang ang young superstar noon pero kapansin-pansin na ang kanyang kakaibang talento sa pag-arte. Dati ay palagi siyang tinutukso dahil sa kanyang timbang, pero talbog silang lahat ngayon sa kaseksihan ni MRs. Agoncillo! Go Juday!

Katya Santos – Si Katya Santos ay isa sa mga batang pinasikat ng Ang TV. Madami siyang nilabasan noon na pelikula at tv show tulad ng Oki Doki Doc. Nagkontrabida ito kay Antoinette Taus, Sunshine Dizon at Kim delos Santos sa Anna Karenina hanggang sa napapayag ito ng Viva Films na sumabak sa pagpapaseksi. Isa rin siya sa pinakasikat na Viva Hot Babe. Sa ngayon ay busy si Katya sa kanyang culinary lessons at lumalabas-labas pa rin naman siya sa indie films.

Shaina Magdayao – Napanood niyo ba ang little sister ni Vina Morales noon sa Lyra ng GMA-7? Siya yung batang yagit na masyadong kinawawa ng kahirapan sa mura niyang edad. Lumipat ito sa dos at doon na siya lalong sumikat bilang childstar, teenstar hanggang sa maging isang drama actress. Mapapanood natin siya araw-araw sa Kambal sa Uma at kakatapos lang ipalabas ang Villa Estrella. Kamakailan lamang ay nagpose ito ng sexy sa isang magasin. Magtutuloy-tuloy na kaya ito?

Stars Candid
by Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.