‘Child warriors’ sa BIFF, iniimbestigahan

INIIMBESTIGAHAN NG Philippine Army ang umano’y paggamit ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng mga batang mandirigma o ‘child warriors’ sa kanilang pakikipaglaban sa mga sundalo kung saan ilan sa mga bangkay ng mga itinuturing na mga mandirigma ay narekober ng militar.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Col. Dickson Hermoso na nakikipag-ugnayan na sila sa mga barangay officials sa nasabing lugar kung saan may narekober na cadavers ng mga child warrior na may edad 15-anyos.

Ayon kay Hermoso, ang mga opisyal ng barangay ang siyang tumutulong sa kanila para tukuyin ang pagkakilanlan ng mga batang mandirigma.

Patuloy namang inaalam kung ilang mga kabataan ang na-recruit ng BIFF para sumama sa kanilang grupo.

Sa kabilang dako, dahil sa matinding pressure ng militar, nagkawatak-watak na ang rebeldeng BIFF.

Tiniyak din ng militar na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra sa rebelde.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.