Child star AJ Ocampo, gustong makasama sa teleserye sina Marian Rivera at Coco Martin

 AJ Ocampo

AJ Ocampo

Very talented ang 7-year old child star na si AJ Ocampo na isa sa bida sa pelikulang “Pagkatapos ng Umaga, The Story of Love” mula sa direksiyon ni GM Aposaga.
Makakasama ni AJ Ocampo sa nasabing pelikula sina Ms. Irma Adlawan, Maria Isabel Lopez, Diane Medina, Francis Magundayao, Kyline Alcantara, Jong Cuenca, Princess Flores, at Jeff Gaitan.
Ayon nga sa very supportive at napakabait nitong mother na si Mommy Ninay Aloe, hilig talaga ni AJ ang pag-aartista kaya naman suportado nilang mag-asawa ang kanilang nag-iisang anak.
Paborito at lagi nga raw pinanonood ni AJ ang mga proyekto, mapa-telebisyon at pelikula, nina Maria Rivera at Coco Martin, na ayon dito ay parehong magaling na artista.
Bukod sa pag-arte ay magaling ding sumayaw at kumanta si AJ na nahasa sa mga workshops na sinalihan nito.
Pangarap nga raw ni AJ na mapasama sa mga teleserye sa telebisyon at makasama ang kanyang mga paboritong artista na sina Marian at Coco Martin.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleWalang nangungulekta!
Next articleBae Alert, itatapat sa That’s My Bae

No posts to display