Child Soldiers, Itinanggi ng Malacañang

NILINAW NG Palasyo na hindi polisiya ng pamahalaan ang paggamit o pag-recruit ng tinaguriang “child soldiers” o mga bata sa military operations.

Sa harap ito ng ulat ng United Nations na gumamit ang AFP ng dalawang menor de edad bilang guide sa isang operasyon laban sa mga komunista.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi ito gawain ng militar dahil delikado ito para sa mga kabataan.

Sinabi ni Valte na iimbestigahan pa rin ng AFP ang nabanggit na report.

Samantala, sa report ng UN na inilabas ni Secretary General Ban Ki-moon, kabuuang 26 “child soldiers” ang ginamit ng iba’t ibang armed groups, kabilang ang AFP noong nakaraang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.