Chief of police sa Samar, todas sa ambush

PATAY ANG chief of police at kasama nitong pulis matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Central, Arteche, Eastern Samar, alas-9:00 Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Arteche Eastern Samar Chief of Police Alberto Ayad at PO1 Julu Juliata.

Nasugatan naman sa nasabing insidente si PO3 Glorioso Nebril.

Nagpapatrolya sa Barangay Central ang mga biktima nang paulanan ng bala ng mga salarin.

Samantala, patuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng Philippine Army laban sa mga may kagagawan ng krimen.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.