Chief of police sa Camanava, ‘binubukulan’ ng opisyal

ISANG CHIEF OF Police sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area ang diumano’y ilang ulit na binukulan ng intelihensiya ng isa niyang opisyal na humahawak ng isang sensitibong posisyon at taga-tanggap ng mga parating na payola.

Ayon sa mapagkakatiwalaang impormante, ang nasabing opisyal ay hindi pa nasiyahan sa ginawang pambubukol sa kanyang hepe. Kumuha pa umano ito ng advance na payola mula sa mga operator at maintainer ng iba’t ibang uri ng pasugalan.

Ang hepe naman ng pulisya ay galit na galit sa ginagawa sa kanya ng opisyal, pero wala itong magawa, dahil sa sobra umano ang lakas ng kapit nito sa alkalde ng isang lungsod.

Sinabi pa ng impormante, ang opisyal ang siya umanong tumatanggap ng intelihensiya o payola mula sa mga gambling lord.

“Sobra raw ang takaw ng nasabing tauhan sa payola, dahil sinosolo nito ang dumarating na intelihensiya,” dagdag pa ng impormante.

Sa ngayon, masamang-masama ang loob diumano ng hepe ng pu-lisya sa opisyal sa dahilang hindi katanggap-tanggap ang ginawang pambubukol nito sa kanya.

Sa susunod na isyu ng pahayagang ito, pangangalanan ng may-akda kung sino ang nambukol at kung sino naman ang binukulang hepe ng pulisya sa CAMANAVA area. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.