Chief of Police, Binoga sa Ulo

PATAY ANG chief of police ng San Andres, Romblon matapos barilin sa ulo.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Police Senior Insp. Noel Aparcio na agad namatay makaraang barilin ng salarin na si Geron Bunchingan sa Barangay Calunacon.

Sinabi ni Provincial Director Police Senior Supt. Danilo Abadiano na nagsasagawa na sila ng manhunt operation laban sa salarin.

Samantala, inaalam pa ng mga kinauukulan ang motibo sa pamamaslang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.