Chief Negotiator ng Gov’t Peace Panel, Nagbitiw na

NAGBITIW NA si Atty. Alexander Padilla bilang chief negotiator sa government peace panel na nakikipag-usap sa CPP-NPA-NDF.

Si Padilla ang bagong talagang kasapi ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) at ininomina ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bilang bagong pangulo at chief executive officer ng nasabing ahensya.

Ayon kay Padilla, nagbigay na siya ng notice kay Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles kaugnay ng pagbibitiw.

Katuwiran niya, nais niyang tutukan ang bagong trabaho.

Inamin din ni Padilla na hindi na umuusad ang peace talks sa komunistang grupo simula noong Pebrero.

Samantala, wala pa namang impormasyon kung sino ang ipapalit kay Padilla sa peace panel.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.