Tago: Chickboy na solon, atat din sa Kho-Halili scandal

Bagama’t natatabunan na ng A (H1N1) scare ang Katrina Halili at Hayden Kho scandal, hindi pa rin matapos-tapos ang  mga anekdota tungkol dito. Tulad na lang ng tsika tungkol sa isang mambabatas na hindi nakaligtas sa mga mata ng mapagmasid nating mga chismidora.

Ayon sa tip ng ating chikadorang bubwit, isa raw mambabatas of the Philippine Islands ang naringgang nagpahanap agad ng kopya ng kontrobersiyal na sex video kahit pa nasa kasagsagan ang kanilang chamber sa pag-iimbestiga tungkol dito.

Kahit naman umorder tayo ng fries, eh, kailangan nating maghintay, hindi raw agad nai-deliver kay mambabatas ang pinakaaasam niyang video. Nang matapos daw ang kaguluhan sa session hall, ipinagtanong pa ni Mambabatas sa mga walang kamalay-malay na sibilyan kung saan maaaring makakuha nito.

Nang makakuha na raw ng kopya,  mabilis na umakyat ang mambabatas sa kuwarto niya para panoorin ang video. Wala naman daw problema, sabi ng mga miron. Kaya lang, dahil isa nga siyang chickboy na puwede sa Pinay, at puwede sa Pinoy, nagtataka ngayon ang mga miron kung sino ang kinaaatatan ng ating bidang mambabatas – kung ang pag-aari ni Kat o ang pag-aari ni Hayden? May ganun!

loading...

2 thoughts on “Tago: Chickboy na solon, atat din sa Kho-Halili scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.