Cheska Garcia, pregnant

Points of Boy
by Boy Abunda

JUDY ANN SANTOS
is open to the possibility that one day she will do a movie with Claudine Barretto. Ngayon pa lamang ay natitiyak nang magiging blockbuster ang pagsasamang ito nina Juday at Claudine.

Everybody is excited about her much-awaited wedding with Ryan Agoncillo. Among other things, sinabi ni Juday na imposible raw na hindi kasali ang kanyang manager na si Tito Alfie Lorenzo sa kanyang kasal. Lumabas naman kamakailan ang balitang nagtatampo diumano si Mommy Carol dahil inililihim daw sa kanya ang mga detalye tungkol sa kasal. Juday immediately called up Mommy Carol when she heard the news. Juday said their exact wedding date is not yet registered kahit daw itanong pa ng mga tao sa mga simbahan.

CHESKA GARCIA HAPPILY announced that she is now four months pregnant. Masaya raw silang dalawa ng kanyang asawang si Doug Kramer dahil hindi raw sila nahirapang magka-baby. The couple got married last year in a Christian wedding at the Blue Leaf Events Pavilion in Taguig City. Congratulations Cheska and Doug!

HUNK ACTOR JAKE Cuenca is allegedly courting young actress Melissa Ricks. Sinasabing tatlong beses daw nagpadala ng mga regalo si Jake kay Melissa. SNN asked Melissa about this. She said, “He is my friend since Pedro Penduko.” Hindi raw niya masasagot kung nanliligaw sa kanya si Jake.

Hiningan naman ng pahayag si Jake tungkol sa kanyang panliligaw sa young actress. “I cherish our friendship. Masaya ako sa pagiging magkaibigan namin. I appreciate her friendship and that’s something I should take care of. Melissa is young, intelligent, family-oriented and religious,” Jake enthused.

Kaibigan, usap tayo muli!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.