Cherry Pie Picache, imposibleng pagnasaan ni Baron?

OLA CHIKKA! THANK God it’s Friday! More chikka, more fun na naman tayo! Ayan maloloka na naman kayo sa mga chismax ko, ‘di ba? Kawawa naman itong aktor na ‘to na lagi na lang nasasangkot sa mga issue na talaga namang kayang-kaya talagang siraan o i-broadcast sa madlang people, ‘di ba?

Balitang-balita nga kasi na dinakma ni Baron Geisler ang boobsies ni Cherry Pie Picache. Bakit? As if naman papatulan ito ng aktor, o baka gimik na naman ito, kasi may bago na naman silang teleserye? Alam ko ang beauty nitong lola mo ay pang-T-bird. Ha-ha-ha!

Nu’ng nakaraang araw kasi, in-interview ko ‘tong isang comedy actress na si Eugene Domingo na kung bibigyan siya ng role na tomboy, sino ang gusto niyang maging katambal? Ang sagot ng lola mo: Si Cherry Pie Picache!

Kaya ang masasabi ko, ang beauty ng lola mo, pang-tomboy lang, ‘di ba? Kaya kung ako sa ‘yo, ‘teh, dedma na lang ako, ‘wag nang umarte… keri na ‘yan! Ha-ha-ha! ‘Di nga? Weeee….

AT ITO NAMAN ang nakakatuwa. May pumalit na kay Rudy Fernandez na isa sa mga pinakamagaling na aktor. walang iba kundi ang kanyang anak na si Rap Fernandez na talaga rin namang mahusay at may hitsura. Magiging kontra-bida ito ni Gerald Anderson sa seryeng Buhawi Jack.

Nang tinanong siya ng press, kung sino ang gusto niyang ka-loveteam, puro pabiro lang ang sagot ni Rap kaya naman parang ang naisip nila, nabuhay ulit ang tatay nito na lagi lang nakatawa kung sumagot. Ha-ha! ‘Di ba muling nagbalik? Tama!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Isang may-ari ng kilalang comedy bar ang nagpupuyos sa galit sa isang beteranong komedyante ng Kapamilya Network, dahil sa pagmamaltrato nito sa mga baguhang komedyante sa bar.

Nagsumbong diumano ang mga baguhan na pinagsasampal sila sa mukha ng beteranong komedyante, at ginagawang sunud-sunuran lang sa kanya.

Eh, buti nga kung sa set ginagawa… minsan off set pa na mismong ang may-ari na ang gustong sumampal sa kanya dahil sa mga pinaggagawa niya.

Statement ng owner: U earn respect by respecting others… never ask for it… kung alam nyo lang kung bakit ganyan ang statement ko, yung iba kc dinadaan sa pagiging senyora ang respeto eh ala namang napatunayan!!!

Sino ito na more-more na ang kamalditahan at talagang nag-aasta na siya na ang pinakasikat at feeling owner ng bar?

Kaya naman para sa more chikka, makinig lang kayo sa aking programang DWSS 1494 KHZ kasama ko ang aking anak na si Lady Camille, simula Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali, at subaybayan n’yo pa rin ang programa ko tuwing linggo sa DZRH 666 KHZ, 2:30-3:30 ng hapon… MORE CHIKKA, MORE FUN… GOD BLESS!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.