Cherry Pie Picache had a miscarriage during the filming of an indie?!

IRITANG-IRITA PALA SI Alessandra de Rossi sa mga nagkukomento sa paglipat niya ng GMA-7.

Nakausap ito ng Startalk sa presscon ng bago niyang drama series sa GMA-7 na Sinner or Saint at nagsalita ito ng ‘di maganda sa mga nagbibigay ng opinyon at komento sa kanyang desisyong paglipat. Kaya nag-emote ito sa kanyang Twitter account na ayaw na raw niyang pansinin itong mga nagkukomento sa kanya.

Ayon kay Alessandra, “Naiinis lang ako na marami lang opinyon ang ibang tao minsan. Eh, ako pa naman, super talak ako sa kung anu-anong bagay, pero never n’yo ako naririnig na may opinyon ako o may comment ako tungkol sa ibang tao. Never in my life.

“’Pag may mga ganu’n, dyumidyinit ang ulo ng lola n’yo. Ang dami n’yong sinabi, dami n’yong alam. Halika palit tayo!

“Tapos sabihin du’n ka na lang huwag ka nang umalis. O halika, ikaw magbayad ng bills ko, tapos kontrabida ka naman, wala naman akong sinabing gusto kong magbida, eh. Mas magugulat pa ang mga tao na maging bida ako kesa maging leading man.”

Inaamin naman ni Alex na kaya siya lumipat ng GMA dahil maganda ang offer at datung ang habol niya rito.

Tama na raw ‘yung mga nagawa niya dahil wala naman daw siyang kailangang patunayan pa.

Kaya sana tumigil na raw ang pagbibigay ng kung anu-anong komento sa paglipat niya dahil iisa lang naman ang dahilan, datung!

At least walang kaipokrita-han si Alex sa pag-aming pera ang habol niya kaya tinanggap niya ang offer ng GMA-7 na bumalik.

Sa June 17 na pala magsisimula itong Sinner or Saint, kung saan tampok si Alessandra kasama sina Dennis Trillo at Bianca King.

 

INIIWASAN NI CHERRY Pie Picache na sagutin ang kumalat na isyung nakunan daw ito sa shooting ng pelikulang Isda na kasali sa nalalapit na Cinemalaya Film Festival.

Nagulat nga ako nang nakarating sa akin iyan dahil wala namang dyowa si Cherry Pie, ‘di ba?

Ang alam ko lang magkaibigan sila ng ama ng kanyang anak at madalas naman silang magkasama para sa bagets.

Posible namang may mangyari sa kanila at makabuo uli dahil lagi naman silang magkasama. Sabi nga kasi ni Cherry Pie, nananatili silang magulang sa kanilang nag-iisang anak.

Kagaya ng kina Mylene Dizon at Paolo Paraiso, kahit hiwalay na nasundan pa ang kanilang anak.

Pero ayaw nang palakihin pa ito ni Cherry Pie, kaya walang kumpirmasyon mula sa kanya kung totoo o hindi.

Basta sabi ng aktres, very memorable sa kanya ang pelikulang ito dahil sa’ di niya makakalimutang karanasan habang ginagawa niya ang pelikulang ito.

Kung ano man ‘yun o kung itong isyu ngang nakunan siya, hayaan na lang natin dahil ayaw na itong pag-usapan pa ng aktres.

 

TULOY PA ANG qualifying round ng Trust Bunong Braso Challenge na ini-endorso ni Robin Padilla.

Bukas ay magkakaroon ng isa pang qualifying round na paglalabanan ng mga matitipuno at malalakas na kalalakihang puwedeng makipag-bunong braso.

Gaganapin ito sa Laurel Gym, G. Recto St. corner V. Escano St, Barangay C, Rosario, Batangas.

Meron pang susunod na qualifying round na gaganapin sa Davao City sa June 25, at sa Cebu City naman sa July 2 at sa July 23 sa Quezon City.

Lahat na mananalo sa mga qualifying round na ‘yun ay pasok sa grand championship sa August 6 na gaganapin dito sa Metro Manila.

Tatanggap ng 100 thousand pesos ang tatanghaling champion sa patimpalak na iyan.

Kaya sa mga matipuno at matikas na kalalakihan, kung type n’yong sumali, makipag-ugnayan lang sa telepono 09179099090, 09493236788 o 09325274228.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

One thought on “Cherry Pie Picache had a miscarriage during the filming of an indie?!

  1. miscarriage? really? mukhang menopausal na si cherry pie. Baka naman constipated lang siya at akala niya ay buntis siya.