Cherie Gil, ginaya si Marian Rivera, nilayasan din ang manager!

USO NA naman yata ang pagpapalit ng manager ngayon. Matapos kasing layasan ni Marian Rivera ang manager nito na si Popoy Caritativo ay iniwanan na rin ni Cherie Gil ang manager nito na si June Rufino last Friday.

Hindi lang malinaw sa dalawang actress kung ano talaga ang tunay na dahilan ng paglayas nila sa kani-kanilang manager.

Si Marian, todo-tanggi na may kinalaman sa pera ang desisyong magpalit ng manager. Katuwiran lang ng actress ay gusto niyang masunod kung ano ang gusto niyang gawin sa showbiz career at magbalik sa tunay na naka-discover sa kanya sa katauhan ni Mr. Tuviera, producer ng Eat Bulaga.

Si Cherie naman ay wala pang ibinibigay na dahilan sa ginawang paglayas sa manager na si Madam June.

Anyway, ayon na rin sa mga naging pahayag ni Marian tungkol sa isyu ng paglayas din nito sa GMA-7, tila malabo pa ito kahit hanggang sa August ng taon magtatapos ang kontrata niya sa Kapuso.

Posible kasing mag-renew siya uli ng kontrata sa GMA 7. At ang sure ay siya na ang magsusunod kung ano ang gagawin niyang project.

Knowing Mr. Tuviera naman, kung ano ang ikasisiya ng kanyang talent ay buong pusong sinusuportahan.

Taray naman ng kasamahan namin sa pa-nulat na may tampo sa da-ting manager ni Marian. Hayan na raw ang karma. ‘Di raw kasi ito marunong tumingin sa mga dating kaibigan sa press, na ma-tapos sumikat ang kanyang alaga ay nakalimutan na ang mga ito nang dahil lang sa sulsol ng ilang press din na sa feeling niya ay kinatatakutan sa mundo ng showbiz industry.

 

SIGURADONG MASISIYAHAN ang Master Showman na nag-celebrate ng 50th anniversary in showbiz kamakalawa na ginanap sa Resorts World Theater na si German Moreno at Star For All Season Vilma Santos sa ipinangako ni former President Joseph Estrada na ipagagawa ang Metropolitan Theater (MET) sa Manila.

Alam ni former President Joseph na maraming utang na dapat bayaran ang MET bago ito maisayos muli, pero napapangiti naman ang dating Pangulo na madali naman daw gawan ito ng paraan kung gusto talaga ng magpapaayos at maging attraction muli sa Kamaynilaan.

Bukod sa Met ay plano rin si Joseph na maisaayos ang mga magagandang lugar sa Maynila, tulad ng Intramuros na palalawakin niya lalo na ang makasaysayang Fort Santiago at i-revive ang Escolta na dating showbiz centre noong ‘70s at ‘80s.

 

SI GELLI de Belen ang makakasama ni Marvin Agustin sa Karinderya Wars ng TV5 sa role na magiging guide ng Karinderya Warriors sa mga challenges na ibibigay sa kanila ni Marvin.

“Hands on nanay ako kaya ang dami kong nakukuhang ideas kung ano ‘yung mga puwedeng ihanda sa pamilya. Nakita ko sa set ang bilis at creativity ng Warriors. Ang gagaling nilang mag-budget. Nakaaaliw silang panoorin kahit pressured sila sa challenges ay nakapagluluto sila ng masasarap na ulam,” tsika ni Gelli.

Bukod sa Karinderya Wars ay mga tsikiting naman ang makakasama niya sa Tropang Kulits na magsisimula nang mapanood sa Sabado, May 11 sa TV5 din.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Cherie Gil, ginaya si Marian Rivera, nilayasan din ang manager!

Leave a Reply

Your email address will not be published.