Chef, Tinadtad ang Kababayang Kasama sa Barko

SASAMPAHAN NA NG kasong Frustrated Murder ng mga kinauukulan ang suspek na nanaksak sa kanyang kababayan at kapwa crew sa loob ng cargo vessel.

Batay sa report mula sa San Fernando Police Station, inihahanda na nila ang paghahain sa naturang kaso laban sa suspek na si Rodolfo Reyes Jr., 42, chief cook ng barko, at residente ng Jalandoni Estate-Lapuz, Iloilo City dahil sa umano’y pagsaksak nito sa kanyang kababayan na si Leowie Villaruel, residente rin ng nasabing lungsod.

Ayon sa nasabing suspek, nagawa umano niya ang krimen matapos tapikin ng biktima ang hawak nitong cellphone na binili pa sa bansang Thailand dahil bumagsak ito sa sahig ng cargo vessel.

Nagsisisi umano ang naturang chief cook sa ginawa nitong pananaksak dahil posibleng masira ang kanyang kinabukasan at hindi na ito makakasakay pa muli ng barko.

Samantala, nanatili pa rin sa pagamutan ang biktima na ngayon ay nasa mabuti na umanong kalagayan at hinihintay ang mga kaanak nito.

Una rito, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa sa loob ng MV Apollo na naglalayag sa West Philippine Sea na galing sa Thailand at patungo sa Yokohama, Japan upang i-deliver ang mga karga.

Pansamantalang dumaong ang barko sa Poro Point sa lungsod ng San Fernando, La Union upang ipagamot ang biktima at ipadakip ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.